CHAPTER THREE

1301 Words
 KAYE'S POV Umuulan.. Para sakin, maganda ang ganitong panahon para sa nararamdaman ko. Patak lang ng ulan ang naririnig ko at ang paghinga ko.. Nakaharap ako sa bintana ko habang nakahiga at nakabukas ang kurtina... Hindi maliwanag, hindi rin madilim. Tama lang.. Maghapon ng umuulan, at maghapon na rin akong nakahiga... Tama lang yung ganitong panahon para hindi ako mag-isip ng kung ano-ano... Dahil suicidal ako... Ilang beses na akong nag-attempt na saktan ang sarili ko, or worst, mag-suicide. Nagagawa ko yon kapag wala ako sa sarili... Hindi ko alam kung sinasapian ba ako or what. Basta nare-realize ko nalang bigla yung ginagawa ko at magugulat nalang ako.                                  ***** F L A S H B A C K ***** Umiiyak nanaman ako habang hinahaplos yung tiyan ko.. Wala akong ibang naiisip kundi yung baby ko. Wala na yung baby ko.. Wala na.. Bigla na lang na-blangko yung utak ko pero ramdam kong umiiyak pa rin ako. Hindi ko alam yung nangyayari dahil unti-unti nang dumidilim pero alam kong gising ako at umiiyak ako.. Nabubulag ako sa kadiliman... Tuloy tuloy lang akong humahagulgol.. Napahinto ako sa pag-iyak nung bigla nalang lumiwanag at nakita ko ang sarili kong may hawak na kutsilyo at nakadikit sa palapulsuhan ko. Nagulat ako at bigla kong nilapag sa lamesa yung kutsilyong hawak ko. Mas lalo akong napa-iyak at napahagulgol.. Hindi ko alam ang ginagawa ko..                                  ***** E N D     O F     F L A S H B A C K ***** Hindi lang isang beses nangyari yung ganon.  Para akong sinasapian.....  Sinasapian ng matinding kalungkutan. Akala ko yun na ang una at huling beses na mangyayari sa akin yon, pero mali ako. Tatlong beses naulit ang pangyayari na yon.  Pagkatapos mangyari yong pang-ikatlong beses, kapag nandidilim ang paningin ko, ipinipikit ko yung mata ko at humihinga ng malalim at sinasabayan ko ng pagdadasal... Huminto ng pansamantala ang pagiging suicidal ko noong malaman kong buntis ang pinaka-close ko nitong college. Si Kimberly. Masaya ako para sa kanya dahil magkaka-baby na sya. Pinilit kong maging masaya dahil sa nabalitaan ko. Pinilit kong ipakita na masaya ako para sa kanya lalo na nung nanganak na sya at nagkaroon na sya ng isang malusog na baby boy. Pinilit kong ipakita na masaya ako kahit na sobra sobrang inggit ang nararamdaman ko. Naiinggit ako dahil hindi ko man lang nailabas ng malusog ang anak ko.  Naiinggit ako dahil hindi ko narinig yung unang iyak ng anak ko. Naiinggit ako dahil hindi ko man lang nahawakan yung anak ko. At nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang inalagaan yung sarili ko noong buntis ako. Nung buntis pa si Kimberly, lagi ko syang mine-message na alagaan nya yung sarili nya. Na wag syang masyadong magpagod at magpaka-stress lalo na nung nalaman kong maselan ang pagbubuntis nya na kahit pag-biyahe ay bawal. Magkalayo kami ng lugar kaya sa message ko lang sya kina-kamusta.  Ngayon, inaanak ko na ang anak ni Kimberly.  -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- --  -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- Noong sinabi ko sa mga kaibigan ko nitong college yung dahilan kung bakit ako laging tulog sa school, mapa-classroom man or school lounge, pati na rin kung bakit ako umabsent ng isang linggo, nagulat sila. Hindi daw nila alam na ganon na pala yung nangyari sakin. Pano nila malalaman eh wala naman akong pinagsabihan na kahit mismo pamilya at bestfriend ko hindi ko sinabihan. Naawa sila sakin, pinipigilan ko namang umiyak nung sinabi ko yon dahil ayaw kong ipakita sa kanila na mahina ako. Gusto kong malaman nila na kaya ko, na kahit ano pang mangyari sakin, kaya ko.  Pero kapag may nagtatanong na sa akin kung ano yung mga bagay na pinagsisisihan ko, hindi ko mapigilang maalala ang nangyari sa akin at mapaiyak nalang bigla. Katulad nalang ng nangyari sa isang subject namin na nagkaroon ng sharing about sa buhay namin.                                           ***** F L A S H B A C K ***** In the middle of the month of August, umabsent ako sa kadahilanang nag-undergo ako ng surgery.  First week ng September, sinabi ko sa mga kaibigan ko ang nangyari sa akin. Kung bakit ako umabsent ng isang linggo. Second week ng September, nagkaroon kami ng sharing about sa buhay namin sa isang minor subject namin.  Alam ng Professor namin sa subject na 'to yung ibang mabigat na sitwasyon ng buhay ko about sa family ko dahil nagawa ko na ring mag-share isang beses.  "Anong pinaka-pinagsisisihan nyo sa mga oras na ito?" Tanong ng Professor ko. Tahimik... Instrumental music lang ang maririnig mo. Habang ang Professor ko is palingon-lingon, naghahanap ng pupwede nyang matawag... Nagulat ako nung bigla nya akong tinawag.. Wala akong balak na magsalita ngayon dahil masyadong mabigat yung pinagsisisihan ko nitong mga nakaraang linggo magpa-hanggang ngayon.. "Lah, sir. Wala naman po akong pinagsisisihan." Sabi ko nalang dahil ayaw ko talagang sabihin dahil iiyak nanaman ako. "Hmm.. Hindi pwedeng wala kang pinagsisisihan." Sabi ng Professor ko. "Lahat tayo dito is may pinagsisisihan." Dagdag nya pa. Napayuko ako. Ayoko talagang magsalita.. Naiisip ko palang, naiiyak na ako. Napatahimik lang ako at habang nagbibigay ng malungkot na ngiti sa mga kaklase kong nag-aantay ng sasabihin ko at sa Professor ko.  "Sige na, minsan lang naman tayo mag-ganito eh." Pilit ng Professor ko sa akin. Huminga ako ng malalim at pilit na inaalala yung pinagsisisihan ko habang pinipigilang huwag umiyak. Tumingala muna ako at ipinikit ang mata ko bago magsalita. "Ahm, ngayon, yung pinagsisisihan ko po is.... ahm, masyadong malaki kasi eh." Paunang sabi ko. "Ngayon, pinagsisisihan ko is ahm, nagpabaya ako sa sarili ko. Mabigat para sa akin yung desisyon na to na sabihin sa inyo yung pinagsisisihan ko ngayon. Yung iba sa inyo is alam kung ano yung pinagsisisihan ko ngayon, yung iba, hindi nila alam pero pipilitin kong ipa-intindi sa inyo nang hindi sinasabi ng direkta yung mismong dahilan ko." Sabi ko habang nagpipigil na ng luha. "Buntis ka ba?" Tanong s***h biro ng Professor ko. Ngumiti ako. "Hindi sir." Sabi ko. Tumango lang si Sir at pinagpatuloy nya ako sa pagsasalita. "Malaki.... Mabigat.... Masakit para sakin yung nangyari nito lang. Hindi ko sya kinaya. Sobrang pinagsisisihan ko talagang naging pabaya ako. Sinisisi ko rin yung sarili ko dahil sa nangyari. At alam ko sa sarili kong dahil sa nangyari na yon, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kung naging maingat lang sana ako, hindi sana ako nasa sitwasyong pinagdadaanan ko ngayon. Sobrang hirap. Sobrang hirap para sa part ko dahil wala akong mapagsabihan noong mga time na nangyari yon. Wala akong masandalan." Habang sinasabi ko 'to, naramdaman kong may pumatak na luha galing sa mga mata ko hanggang sa nagtuloy tuloy na yung pagtulo ng luha ko. Pinipigilan kong humagulgol. Hinawakan na rin ni Michelle, isa sa mga kaibigan ko, ang kamay ko.  Narinig ko yung mga kaibigan kong nagbubulungan habang nagsasalita ako.. "Te, baka sabihin nya yung ano.." Hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagsabi nito, basta alam kong kaibigan ko 'to. "Pigilan mo te, baka masabi nya." -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- --  -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- -- After nong subject na yon sa classroom, pinapatawa ako ng mga kaibigan ko.  Nagbibiruan sila habang tumatawa.. Hinawaan nila ng kasiyahan yung nararamdaman ko.                            ***** E N D     O F     F L A S H B A C K ***** Kung hindi ko siguro narinig yung mga kaibigan ko sa pag-uusap nila noong nagsasalita ako, baka nasabi ko siguro talaga yung pinaka pinagsisisihan ko at baka kaawaan ako ng mga makakarinig sa akin which is ayaw ko. Thankful ako sa mga kaibigan ko..                                                                             *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD