Chase 2 (M na M)

1837 Words
Sab's POV Napalunok ako nung tingnan ako nung cashier mula ulo hanggang paa sabay taas ng kilay kaya naman inirapan ko na din. "Miss, sigurado ka? Hindi kasi kayo mukhang girlfriend ni Sir Kei." masungit nitong tanong kaya agad kumulo ang dugo ko. But really? Pati girls nya, nililibre nya sa arts and crafts? "I can't believe I've been judged and humiliated by a cashier girl. I will make sure that Keigo will know about this. I want you fired." english ko. s**t! Para akong lalamunin ng lupa dahil sa sinabi kong kasinungalingan ngunit mukhang effective dahil namutla agad ang babae at agad humingi ng dispensa. "Ma'am, sorry po! Wag nyo naman po akong ipatalsik sa trabaho!" kinakabahan nitong sambit habang bakas na bakas sa mukha ang takot. "Just punch all of this and make sure that you'll never cross path with me again or you'll be sorry." muli kong pagtataray at nilangkapan ng inis ang boses. Nagmamadali namang kumilos ang babae at agad inabot sakin ang paperbag na naglalaman ng mga project ko. Abot abot ang kaba ko habang naglalakad palabas ng mall. Para akong napapraning dahil lingon ako ng lingon. Grabe! Hindi ako makapaniwalang nagawa ko talaga yun! Pagkauwi sa apartment ay agad akong tumuloy sa kwarto ko at inilapag sa kama ang mga pinamili. "I can't believe I just did that." bulong ko at nahahapong umupo sa kama. I hate Keigo Atobe. Hindi nya ako ex o ano pa man. Hindi nya rin ako kakilala. Naiinis lang talaga ako sa kayabangan nyang taglay. Nakakaasar isipin na kilala ko sya kahit hindi ko naman sya gustong kilalanin! Imbes na sumuka ng ampalaya dahil sa guilt na nararamdaman ay nagpasya na lang akong gawin yung project ko. Masyadong marami yung project kaya pinagpuyatan ko. Ayaw kong makain ng project na yun ang lahat ng oras ko kaya naman hangga't maaari ay gustong gusto ko ng tapusin dahil nasimulan ko na. Nagmamadali akong pumasok sa gate ng school kinabukasan. Sheeeet! Male-late na ko! Bitbit ko pa lahat nung projects ko dahil plano kong tapusin iyon mamayang lunchbreak. Dahil sa sobrang dami nung bitbit ko at dahil na rin sa pagiging tuliro ay hindi ko na napansin ang makakasalubong ko. Agad nagkalat sa sahig ng corridor ang mga folders, cartolina, at bond papers na dala ko. Ininda ko rin ang sakit ng pwet ko dahil sa pagkakasalampak ko sa sahig. "What the hell?" nanlamig ako dahil sa boses na pumuno sa tainga ko. Tila huminto ang oras dahil natigil ang ingay ng mga tao sa corridor at damang dama ko ang nanunusok nilang titig ngayon sa akin. Dahan dahan akong tumunghay at bumungad sakin ang maganda ngunit galit na galit na mukha ni Erza Alonzo! Nakasalampak din ito sa sahig tulad ko. Yun nga lang nakaalalay sa braso nya si Atobe! "Watch it Miss! Wag kang tatanga-tanga please!" singhal sakin ni Erza at nagpatulong kay Atobe na tumayo. Dali dali din akong umayos at nagsimulang pulutin ang mga gamit ko ngunit para akong nakalunok ng langka nung marinig ko ang iyak ni Erza. "Damn, you sprained your foot." sambit ng baritonong tinig. "Hala nabalian si Erza!" "Oh my God! Lagot sya kay Keigo!" Umingay sa corridor at damang dama kong masasamang tingin sakin ng mga tao. What? Erza, the queen bee sprained her foot? Should I hang myself on the flagpole now? "Hey, miss." napalunok ako at unti unting humarap sa nagsalita. I held my breath as I see a pair of deep set brown eyes, framed with thick eyelashes. So, the King of Arrogance really has a beautiful set of eyes. Maybe one reason why girls go gaga on him. "Yes?" hindi ko maiwasang langkapan ng taray ang boses ko. Umangat ang sulok ng labi nito na nagpakulo ng dugo ko. Konting kibot nya lang talaga, asar na asar ako. "Bring Erza to the clinic. It's your fault kung bakit sya nagkaganito." sambit nito sa malalim na tono. "But Kei-" naputol ang protesta ni Erza dahil hinablot na ako ni Atobe sa braso at itinulak sa tabi ni Erza na inaalalayan parin nya. "Aray ha, stop being so harsh. Can't you just be a gentleman?" Inis kong sabi at tiningnan sya ng masama. Lalong umangat ang kilay ko nang makita kong natigilan si Atobe habang nakaawang ang labi. What? "Kei, ikaw na lang ang magdala sakin sa clinic. It's her fault alright but she can't carry me. And I can't endure the pain anymore. This is killing me." maluha-luhang sambit ni Erza habang nakaangat sa lupa at isang paa (na naka 5 inches heels) at pilit binabalanse ang sarili sa tulong ng hawak ni Atobe. "Oo nga naman--" hirit ko na pinutol agad ng matalim na tingin ni Atobe. "Ikaw yung may atraso diba? Ikaw yung may kasalanan. She's your responsibility." Hindi ko mapigilang mapangiwi dahil sa sinabi ni Atobe. May point sya pero s**t! Ang yabang nya talaga! Kaasar! Sarap bigwasan ng pagmumukha. "Okay fine! Kasi naman pa-heels heels pa! Ako nga natumba rin pero hindi naman nabalian." Baling ko kay Erza na natigilan pag iyak at ngayon ay nakataas na ang kilay sakin. "Come again?" she asked in gritted teeth. Nginiwian ko sya at kinipit sa kili-kili ko ang mga folder at cartolina na dala ko. "Ano ka, boundary ng baranggay? May welcome at come again? Tsee! Tara na sa clinic! Male-late pa ko dahil sayo." Irap ko at agad hinablot ang braso ni Erza mula sa pagkakahawak ni Atobe. Pumiglas si Erza sa hawak ko, kaya ayun, nawalan sya ng balanse, plakda na naman sa sahig. Nagsigawan ang mga tambay sa corridor. "Ouch!" daing nito. Napatampal ako sa noo ko at tiningnan si Atobe na bakas sa mukha ang ngiti. Aba't! Nagagawa pang tumawa? "You! Kilala mo ba kung sinong binabangga mo?!" umalingawngaw ang sigaw ni Erza Alonzo sa buong corridor. Nagsimula na naman magbulong bulungan. Binalingan ko si Atobe na ngayon ay parang tungaw, naka krus ang mga braso at tila nakaabang sa sagot ko habang hawak ang pang ibabang labi nya. Hindi nya man lang itayo ang girlfriend nya! Walang kwenta talaga! Umiling ako kay Erza bago sagot. "Oo naman. Erza Alonzo, the Queen Bee. Kaya tumayo ka dyan dahil baka maging Jollibee ka na pag iniwan kita dito. Erza, the Jollibee, oh diba ang sagwa?" Pinanlisikan ako ni Erza ng mga mata bago naluluhang hinawakan ang nasaktang paa. "You b***h, you'll pay for this. I'm gonna make your life---" "A living hell? Oh, come on. Wala bang mas bago? Gasgas na yun eh!" sumulyap ako sa wristwatch ko bago nanlalaki ang mga matang bumaling kay Atobe. "s**t! 10 minutes before time! Buhatin mo na nga yan nang madala na sa clinic! Baka dyan pa yan mamatay, kargo ko pa." singhal ko. This time, hindi na sya basta ngumiti. Tumawa na sya. Kaya naman muling natahimik sa corridor. "Ah, yeah, of course." sambit nito habang tumatawa at saka binuhat si Erza na luhaan (at masama pa rin ang tingin sakin). Habang naglalakad papunta sa clinic ay puro death treath ang ipinakain sakin ni Erza habang ang boyfriend nyang kulugo ay tawa lang ng tawa. Pag untugin ko sila eh. "Oh pano, dyan na kayo. 3 minutes na lang kasi, time na. Erza, pagaling ka." ngisi ko. Inirapan lang ako ni Erza bago bumaling sa nurse na nagchecheck sa paa nya. Saktong pagkasarado ko ng pinto ng clinic ay biglang nalukot ang mukha ko. Mga bwisit sila! Mga bwisit sa buhay ko. Haaaaaay! Nagmamadali akong pumasok sa klase. So far, wala naman ng nangyareng ikaaasar ko. Tanong lang ng tanong sakin ang mga classmate ko kung totoo daw ba na nakabangga ko ang KeiZa couple. Keiza? Kabaduyan! Hindi ko itinanggi, hindi ko rin ni-confirm. They're non-existent to me anyway. Asa pa sila. Pero syempre, ang bestfriend kong si Caileigh ay hindi matahimik kaya ayun, kinwento ko sa kanya ang mga pangyayari. "Oh my gosh girl! Napatawa mo si Keigo?!" tili ni Cai. Inirapan ko agad sya. Ano naman kung tumawa ang tukmol na yun? Pati pwede ba? Naaasar ako sa pagmumukha nya! Nang maglunch na ay nagawa kong tapusin ang aking project kaya naman agad ko iyong naipasa. Mapapa sana all ka na lang. HAHAHAHA! Nang mag-uwian ay hindi ko ulit nakasabay si Caileigh dahil may dinner pa daw sila ng family nya. "You know what? Masama ang kutob ko sa dinner na to eh." sambit ni Cai habang nakahawak sa pinto ng BMW nila. Napangisi ako. "Bakit? Pakiramdam mo ba mai-engage ka ngayong gabi?" Sumimangot ito sakin. "Hindi pwede! Si Keigo lang ang gusto kong maging fiance' no?" Ako naman ngayon ang napasimangot. Lumingon lingon ako sa parking lot at natanaw ang damuho na may kaakbay na isang babaeng naka slut uniform. Sobrang iksi at sobrang hapit kasi yung tela! Umalingawngaw sa buong parking lot ang malanding hagikgik nung babae habang tila kinikiliti sya nung bakulaw. "Haaaaaaay! So dreamy!" buntong hininga ni Caileigh kaya agad ko syang sinapak sa braso. Tiningnan ako nito ng masama. "Pano naging dreamy yan? Tingnan mo nga!" irap ko at inginuso si Atobe na ngayon ay halos makipagkainan na ng mukha sa babae. "Aww! Manong, tara na nga! Nagseselos na ko!" Tumawa ako sa sinabi ni Cai. "M na M na naman ang loko." tatawa tawa kong sabi at muling sinulyapan sina Atobe na naghiwalay na ngayon ang labi at akma nang papasok sa sasakyan. Kumunot ang noo ni Cailegh. "Anong M na M?" Ngumisi ako. "Manyak na manyak." Agad na bumulanghit ng tawa si Caileigh bago nagbeso sakin. "Pano, girl? Una na ko ha? Baka umuusok na ang ilong ni Daddy sa katagalan ko." Tumango ako at nagpasya na ding umalis nang umarangkada na ang sasakyan nila Caileigh. Hindi ko na nilingon pa ang gawi ni bakulaw dahil baka mabadtrip pa ako sa kahambugan nya. Tumigil ako sa waiting shed sa labas ng University. Iilan lang kami dito sa waiting shed. Lima lang. Okay, lima lang kaming mahirap na nakakapasok sa University na ito. Lahat de-kotse! May 5 minutes na kong nakatayo ng isang pamilyar na kotse ang tumigil sa gilid ng kalsada. Isang kulay itim na Ferrari Enzo. Wala akong alam sa specs ng mga mamahaling kotse, narinig ko lang sa mga schoolmates ko dahil bukambibig nila ang sasakyang ito nung magpasukan. "Hey, hop in." sambit ng malalim na tinig nang bumukas ang bintana ng sasakyan. Tumaas agad ang kilay ko. Akala nya yata madadale nya ko ng charms nya? Hah! Asa pa sya! Naghalukipkip ako at umikot ang mga mata. "Thanks babe." nanlaki ang mga mata ko nang dumaan sa gilid ko ang isang magandang babae. Matangkad ito. Makinis, maputi, mabango, model type! Shet! Hindi pala ako yung kinakausap nya! Ibinaling ko ang mata ko kay bakulaw na ngayon ay nakangisi sakin. Agad akong sumimangot. Humagikgik ang babae ng makasakay ito ngunit bago umandar ay kinindatan pa ako ni Atobe. Pwede ba?! Nanginginig ang kalamnan ko at namumula ang pisngi ko sa pagkapahiya. "Hambog talaga! Tsk!" bulong ko at saka muling umirap sa kawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD