Third Person's POV Padabog na isinara ni Mrs. Amanda Atobe ang pinto ng kanilang kwarto. Nadatnan nito ang asawang naka upo sa kanilang kama na tila malalim ang iniisip. Muling nagbalik kay Amanda ang nararamdaman nyang galit at insecurities noon. Ang makitang tulala ang kanyang asawa na may malungkot na ekspresyon ay nagpapakabagabag sa kanya. "That lady." Halos sabay pa nilang mag asawa na nasambit. "She's a Guadarrama. The resemblance is uncanny. Hinding hindi iyon maitatanggi." Mariin nyang sinabi habang pinipigilan ang pagpupuyos sa dibdib. Seeing that girl's face brings painful and unwanted memories. "We're not even sure. Paano kung kamukha nya lang talaga? Tulad ng sinabi mo, Montefalcon ang last name nya." Tumayo ang matandang Atobe na bakas sa mukha ang halo halong damdamin

