Madara's POV "Trix, si Savannah yata yun oh?" itinuro ko kay Altrix ang babaeng nakaupo sa unang baitang sa bulletin. Nakasapo sa ulo nya ang mga kamay nya at mukha syang umiiyak. "Tara-" natigilan ako sa sinasabi nung bigla na lamang humangos papunta kay Savannah si Altrix. Sobrang bilis ng pagkakatakbo nya na pati ang bag ko na dala nya ay nahulog sa lupa. Pinanood ko kung babalik sya at pupulutin ngunit hindi nya ginawa. Ilang beses akong napakurap habang nanginginig ang mga kamay na naglakad palapit sa bag ko at pinulot iyon. Muli kong binalingan si Altrix na ngayon ay mahigpit na ang yakap kay Savannah. Her face was buried on his neck so I can't see her expression but the way Altrix caressed her hair made my heart sank. My whole system is crashing within me. Lalo na nung halika

