Pareho-pareho kaming natigilan sa sinabi ni Rivan. Hindi namin mapigilan ang pagka-excite. Halong kaba at tuwa ang nararamdaman ko. Makikilala ko na rin si King. Mamimeet ko na ang tinitingala ng mga deities. Ang taong pinakamalakas sa guild namin. King is back! Hindi nag-aksaya ng oras ang mga kasama ko at pare-pareho kaming gustong pumunta sa guild. Pero may isang nabubukod tanging tumakbo agad at hindi kami inintay at nauna na sa guild. Si Aqua. Ganun niya ba kamiss si King? Nang makapunta kami sa guild ay agaw pansin ang ibang deities na nagkukumpulan dito. Himala at parang puno ngayon ang guild. Sa gitna nito ay nakapwesto ang hinihintay ng lahat. King is sitting in one of the tables laughing with the other deities. Kahit unang beses ko pa lang siyang nakita ay malalaman mo

