Lumipas ng kalahating oras nang makaalis kami sa Academy at nandito na kami ngayon sa tunnel papasok ng Resoir. For pete's sake ilang beses nakong muntik nahulog dahil sobrang nakakangalay. Pero no choice dahil kaylangan naming makapunta rito ng mabilis para maabutan si Helix. "Sa oras ngayon ay sigurado akong hindi pa nakakapasok si Helix sa Trejon Guild. Malamang ay nandito palang siya sa City." Sambit ni Taliyah. Inalala namin ang sinabi niya. Hindi rin nagtagal ay sinalubong kami ng ulan. Nakapasok na rin kami sa Resoir. Agad kaming binaba ng boreads nang makarating kami sa Resoir. Kasabay non ang pagkawala nila. "Thank you Taliyah." Sambit ni Aqua kay Taliyah. Malamang ay sobrang pagod ngayon si Taliyah. They're using her power afterall. "Eva." King summoned his familiar. N

