Niligpit ni Zac ang mga inihandang pagkain ni Alessandra kanina. Nag-aalala sya dito dahil pansin nyang tila hindi ito okay. Buntis pa naman ang baby babe nya kaya doble ang pag-aalala nya para dito. Matapos nyang ligpitin ang pinagkainan ay tumingala sya at tinungo ito mula sa silid sa itaas. Marahan syang pumasok sa loob ng kanilang kwarto at nakatagilid ito doon habang nakatingin lang sa bintana. Tila malalim ang iniisip nito. "Baby babe..." tawag nya dito at niyakap ito mula sa likuran. Bumiling naman ito paharap sa kanya at hinawakan nito ang pisngi nya. "Akala ko natutulog ka," sabi nya dito. Hindi nya akalain na gising pala ito. "Hindi ako makatulog babe," sagot nito sa kanya at umunan sa dibdib nya. "Pilitin mong makatulog para mapahinga ang katawan mo," bulong nya at hinapl

