May dala-dalang pumpon ng bulaklak si Zac habang papalabas ng opisina nya, diretso lang syang naglalakad at hindi nya pinapansin ang mga empleyadong pinagtitinginan sya kanina pa, excited na kasi syang pumunta kay Alessandra at binilhan pa nya ito ng bulaklak. Syempre may kasama na ding chocolates. Naiiling na lang din sya sa sarili, wala sa hinagap nya na gagawin nya ang mga bagay na ito, pero para kay Alessandra ay handa nyang gawin lahat. Mabilis nyang binuksan ang sasakyan pagkalabas ng building at pinaharurot agad iyon papunta sa bahay nila Alessandra. Ngingiti-ngiti pa sya at dinadama ang music habang nagmamaneho, kasalukuyang tumutugtog doon ang LIKE ONLY A WOMAN CAN at tila patama sa kanya ang bawat lyrics non. Nang makarating sya kila Alessandra ay agad nyang binuksan ang gate

