Hindi mapakali si Zac habang kausap si Lucard, kanina pa sila nag-iisip ng pwedeng idahilan para lang mapapunta si Alessandra sa resort nya sa Pangasinan. Ilang buwan na din ang lumipas buhat ng magpunta sila roon. Walang kaalam-alam si Alessandra sa mga plano nya. Pinasara nya muna iyon para sa isang espesyal na araw sa buhay nila ni Alessandra. Sobra ang pagiging busy nya nitong mga nagdaang araw dahil pinaghahandaan nya ang kasal nila. Gusto nyang maging kakaiba iyon at sorpresa. Lahat ng kaibigan at kamag anak ni Alessandra ay kinausap nya at pinuntahan pa noon para lang makarating sa kasal nila. Sinabi nya sa mga ito ang plano at nakiusap na hayaang maging sikreto iyon at kapana-panabik. Beach wedding ang mangyayari at sa lupaing pag-aari nya sa Pangasinan magaganap. Mabuti na lang

