Kinagabihan ay nagising si Kenzo na may humahaplos sa pisngi niya. Nang unti-unti niyang imulat ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya ang nakangiting mukhha ni Celine. Isang linggo na rin ang nakalipas. Naipalibing na rin ni Kenzo ang daddy ni Celine. Palagi rin niyang hinihintay ang paggising ng asawa ngunit ng walang senyales na magigising ito kaagad ay nagdesisyon siyang ipa-libing na ito sa tabi ng puntod ng nanay ni Celine. Binili niya rin ang lupa at pinaganda ang pwesto nito para kapag gustong mag-stay ni Celine doon ay pwede kahit na mag-overnight pa ito. "Kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo? Sandali at tatawagin ko ang Doctor mo!" Sa sobrang saya ni Kenzo ay halos hindi na ito magkaintindihan sa pagsasalita. "Calm down. Okay na ang pakiramdam ko, Kenzo..

