Hindi umalis si Kenzo sa tabi ni Celine kahit maya't maya siya nito sinusungitan. Pilit pa rin niyang inaamo ang dalaga kahit na mas matapang pa ito kesa sa tigre kapag nagagalit. "What do you want to eat for dinner?" Masuyong tanong ni Kenzo kay Celine. "Anything. Ikaw naman palagi ang nasusunod." Masungit na saad ni Celine. "Not this time. Now, tell me. What do you want to eat?" Lumapit siya rito at umupo sa gilid ng hinihigaan nito. Hinaplos niya ang pisngi nito ngunit nag-iwas si Celine ng mukha. "Ikaw na nga kasi ang bahala!" Galit na saad ni Celine. Pero sa halip na magalit si Kenzo sa pagsusungit ni Celine ay mas lalo pa siyan natuwa sa nobya. "You are more beautiful when you are angry." Nakangiting sabi ni Kenzo. He needs to persuade her hanggang sa tuluyan na siyang mapa

