"Mr. Walton, you can see now your wife," pabatid ng doctor. Hindi naman nagsalita si Kenzo at tinitigan lang ang tapat ng pintuan ng ICU. Nasa ICU si Celine at Critical pa rin ang kalagayan nito. Tila ba lalong humihina ang katawan kaya naman lalong hindi mapakali si Kenzo. Alalang-alala na siya sa asawa at hindi na rin niya alam ang gagawin. Ilang sandali pa ay napagpasyahan na niyang silipin ang asawa at pagkakita nga niya sa asawa ay agad siyang nanlumo sa hitsura nito dahil sa dami ng aparatong nakakabit rito. Agad siyang napatalikod na tila ba hindi kayang tingnan ng mga ang ganoong kalagayan ng asawa. Nangingilid na ang luha niya ngunit agad rin niyang pinigilan ng makita si Robert na papalapit sa gawi niya. Walang imik itong lumapit kay Celine. Umupo sa tabi nito at hinawaka

