Chapter 3

1972 Words
"Nakaka-inis talaga!" Malakas na sigaw ko may mga ilang napatingin naman sa akin pero ang iba ay hindi naman ako pinanasin. Nasa loob kasi ako ng isang bar ngayon at kasama ko si Shane nasa may bar counter naka-upo at umiinom kaming dalawa. Pagkatapos ng nangyari na palpak na interview ko kay Chester Canaleja ay tinawagan ko si Shane para pumunta kami ngayon dito sa bar para maglabas ako ng sama ng loob. Punong-puno ng galit talaga ang kalooban ko, na-iinis ako kasi naisihan niya ako! Ako dapat ang mang-iisa sa amin pero ako ang naisahan niya. Sasusunod na makita ko siya sisipain ko na talaga siya sa pinaka-i-ingatan niya. Nagkamali siya ng binangga, hindi ako natatakot kahit na sino pa siya. "Girl, relax, kalma, hindi ka naman ganiyan, maraming pang araw para bumawi ka, ano ka ba, huwag kang mawalan ng pag-asa," pasuyo sa akin ni Shane habang natatawang umiinom ng alak niya. Tiningnan ko naman siya ng masama. "Hindi ko tanggap na na-isahan niya ako! Humanda talaga siya sa akin!" Inis na inis na sigaw ko. Malakas na tumawa naman si Shane sa akin. "Alam mo uminom ka na lang, niyaya mo ako rito para mag-relax tayo pero mukhang stress na stress ka." "Naiinis kasi ako! Hindi ko matanggap nangyari!" Naiinis na tugon ko sa kaniya. Tumawa naman ulit siya ng malakas kaya tiningnan ko siya ng masama. Kinuha ko ang isang bote ng beer at ininom ko ng deretso iyon. Tuwing naaalala ko ang nangyari ay kumukulo ang dugo ko talaga. Hinding-hindi ko hahayaan na ganito na lang. Hindi ako magpapatalo, humanda talaga siya sa akin. Hinding-hindi ko siya titigilan hangga't hindi ko nakukuha gusto ko sa kaniya. Nagkuk'wento si Shane about sa hawak niya ako naman ay nakikinig sa kaniya pero hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari. "Miss, free drinks," sabi ng bartender sa akin na may inabot na dalawang alak. Napakunot naman ang noo ko. "Bakit may promo ba kayo ngayon?" Mataray na tanong ko. "Ay! Thank you ha, pasensya ka na sa friend ko nakatapak kasi siya ng hindi kaaya-aya kaya ganiyan siya, pero kanino galing ito?" Tanong naman ni Shane habang pinangdidilatan ako ng mata, inirapan ko naman siya. "Doon po," turo ng waiter sabay naman kaming napatingin ni Shane sa tinuro nito. Napataas naman ang kilay ko ng makita ko ang nagbigay ng drinks namin ni Shane. Guwapo naman ito, at mukhang may lahi dahil sa itsura nito malaki rin ang katawan nito at halatang-halata sa suot nitong branded na shirt. Sinaluduhan kami nito gamit ang dalawang daliri niya lang. "'Teh! Ang pogi!" Hindi mapakaling sabi ni Shane habang pinapalo-palo pa ang braso ko. "E 'di, landiin mo na!" sagot ko naman sa kaniya. "Kill joy naman nito, pero sige sabi mo e," tinaasan ko naman siya ng kilay dahil sa pabebe pa niyang sabi sa last part. "Wala ako sa mood para diyan at ang nasa isip ko lang ay magantihan ko ang p*nyetang Canaleja na iyon!" Inis na inis na sabi ko. "Baka kakaisip mo ma-fall ka na niyan, Girl! Tandaan mo iba ang kamandag ng mga Canaleja!" Nakangisi niyang sabi sa akin, kinurot ko naman siya sa bras niya. "Sira! Purong inis at pighati lang nararamdaman ko sa kaniya wala ng iba!" sagot ko naman sa kaniya. Nginitian naman niya ako ng kakaiba. "Huwag mo na masyadong stress-in ang sarili mo diyan, nandito tayo sa bar para magsaya kaya, shot puno na!" sabi ni Shane sabay nitong itinaas ang shot glass na may alak, pagkatapos noon ay inabot niya sa akin ang isang shot glass. Kinuha ko naman iyon at ininom ng deretso. "Doon tayo sa gitna sayaw tayo! Hanap tayo ng bebe boys natin!" sabi ni Shane pa sa akin habang hinihila ako papunta sa dance floor. Wala namana kong nagawa kung hindi sumama sa kaniya. Nang nandoon na kami ay napangiti na lang ako nang magsimula siyang sumayaw. Napasabay na rin ako sa beat ng kanta at napasayaw na rin. Tumatalon-talon pa kami ni Shane habang magka-akbay. Tawa kami nang tawa, at nakalimutan ko ang inis ko. Pawisang-pawisan kaming dalawa dahil sa init at siksikan na rin. Nang mapagod na kaming dalawa ay bumalik na kami sa p'westo namin. Napakunot noo ako ng may ma-spot-an akong pamilyar na mukha. Napangisi naman ako nang makilala ko ang mukhang iyon. Kapag sinuswere ka nga naman talaga. Chester Canaleja. "May pogi kang nakita?" Tanong ni Shane nang mapansin niya akong nakatitig sa p'westo nila Canaleja. "Tang*na, ang pogi nga!" Mabilis naman aking napatingin kay Shane at binatukan siya. "Sira," sabi ko sa kaniya. Nginisian niya naman ako. "Kakampi ko pa rin talaga ang universe, dahil makakaganti pa rin ako sa p*nyetang Canaleja na iyan." "Teh! Hindi na tayo oras ng work, landi-landi rin after work tatanda tayong dalaga nito!" Pasigaw na sabi ni Shane. Tiningnan ko naman ulit siya ng masama. "No, hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha gusto ko!" Inis na sabi ko habang nakatingin kay Chester Canaleja na may hawak ngayong alak at iniinom iyon habang nakangiting nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Kakaiba talaga ang taglay na karisma at genes ng mga Canaleja. Wala yatang pangit sa pamilya nila. "Teh! Matunaw si Baby Chester, alam ko crush mo yung Crisler pero parang iba dating sa iyo ng isang Chester Canaleja." Pang-aasar sa akin ni Shane mabilis ko naman siyang tiningnan. "Imagination mo ang limit, si Crisler ang crush ko hindi, iyan. Ang sama ng ugali niyan, akala mo kung sinong mabait, tuso rin pala," inis na sabi ko. Tinawanan naman ako ni Shane. Inirapan ko na lang siya tapos bumuntong hininga ako at lumapit ako papunta sa p'westo nila Chester. Napailing na sumunod naman sa akin si Shane. "Hello," masayang bati ko nang makalapit ako sa grupo nila. Limang lalaki ang nandoon na nakaupo, sabay-sabay silang napatingin sa akin pero ang mata ko ay naka-focus lang Chester. "Hello," pagbati rin ni Shane, kumaway pa siya sa kanila. "Hoy, pogi, salamat sa drinks kanina, masarap siya," pabebeng sabi ni Shane habang nakatingin doon sa katabi ni Chester. Napakunot noo naman si Chester habang nakatitig sa akin. "Are you stalker?" Deretsong tanong sa akin ni Chester. Napaturo naman ako sa sarili ko. "Judgemental ka, and for your information nauna ako sa iyo rito, 'di ba?" tanong ko pa roon sa katabi ni Chester na nagbigay pala ng drinks sa amin. "Yeah, kanina ko pala sila napansin dito," sagot naman noong lalaking katabi niya. Nagulat naman ako ng biglang tumayo ang isang kaibigan ni Chester at tiningnan ako, lumapit pa talaga siya at tinitigan akong mabuti. "Belle? Is that you?" Tanong nito sa akin napaatras naman ako sa kaniya. "Excuse me, Lily Estrada." Pagpapakilala ko. "And, I'm Shane," singit ni Shane sabay abot ng kamay niya. "Whaa, you really look like Belle, are related to her?" Tanong noong isang kaibigan pa ni Chester. "Sinong Belle ba pinagsasabi ninyo?" Naiinis na tanong ko sa kanila. "Malayo siya kay Belle kaya huwag ninyo siyang i-compare kay Belle," singit naman ni Chester. "Sinong Belle ba?" Tanong ko ulit. "Nevermind, have a seat miss beautiful," sabi noong lalaking tumawag sa akin na Belle. "Hi, I'm Range," pakilala noong nagbigay ng drinks sa amin. "Rein," sabi naman noong tumawag na Belle sa akin. "Weyn," nakangiting pagpapakilala noong isang kaibigan ni Chester. "Patrick," sabi naman noong isa habang nakataas ang kamay. "Lily, right? Sounds familiar." Nakakunot noong sabi ni Weyn. "Ah, reporter kaming dalawa, baka napanood niya kami sa television," sagot naman ni Shane. Nagkatitigan naman silang magkakaibigan at mapataas ang mga kilay tapos sabay-sabay na napasipol. "So, you're Lily," nakatangong sabi ni Rein. "Hindi, baka siya si Lily," turo ko kay Shane. Sabay-sabay naman silang natawa sa akin. "We're just kidding." Tiningnan ko lang siya bago ko ibalik ang paningin ko kay Chester na tahimik lang na umiinom ng alak habang kunot noong nakatingin sa akin. Nginisian ko naman siya bago ako tumayo at basta umupo sa tabi niya. Napaurong naman si Range. "Whaa!" Sabay-sabay na tawa nila. "Hello, Mister Canaleja." Nakangisi kong bati rito. "Tapos na usapan natin, baka gusto mo kasuhan kita," pananakot niya sa akin. Natawa naman ako sa kaniya. "Mister Canaleja, kalma wala akong dalanv recorder or what, tapos na trabaho ko ngayon, gusto ko lang maka-bonding ka," sagot ko sa kaniya. Tiningnan niya naman ako ng may pagdududa. "Promise." "I don't trust you," deretsong s**o niya sa akin. "E 'di don't," sabi ko sabay taas ng dalawang kamay. Inabutan ako ng alak ni Range, ininom ko naman iyon. Nakipagk'wentuhan na rin ako sa kanila habang si Chester naman ay tahimik lang na para bang nakikiramdam lang siya. Nang lumalim na ang gabi ay mga tinamaan na kami ng alak, kahit si Chester ay halatang lasing na rin siya pero tahimik lang siya. "Okay ka lang?" Tanong ko kay Chester dahil napansin ko siya na nakatitig sa akin. Hilo na rin ako at lasing na rin. "Belle," mahinang turan niya. "Sino iyon?" Tanong ko. Nagulat na lang ako ng bigla niyang isandal sa balikat ko ang ulo niya. "A-ako nga si L-lily," medyo utal na sabi ko. "Lasing ka na ba?" "Hey, do you want have some fun?" Tanong ni Rein na mukhang lasing na rin. "Yes!" Sabay-sabay naming sabi. "Let's play dare game!" Masayang sabi nito matapos tumayo at ininom ng deretso ang hawak nitong bote ng alak. "Okay!" Sabay-sabay ulit naming sabi. Umupo kami sa table at si Rein naman ay tinaob ang hawak niyang bote para tingnan na wala na iyong laman ng ma-sure na niyang walang laman ay nilagay niya sa gitna ng table ang bote at pinaikot iyon. Masaya kaming nagtatawanan dahil sa nga kalukuhang game nila. Hanggang sa tumapat kay Chester ang bote. "Chester! I-dare you na pakasalan ako!" Wala sa loob kong sabi habang tumatawa ako. Nagtawanan rin naman ang mga kasama namin. Habang si Chester ay seryosong nakatingin lang sa akin at bumubulong-bulong, hindi ko naman siya maintindihan dahil maingay ang paligid. "I can help you, guys," sabi naman ni Weyn. "My father is a judge! Let's go!" Nagulat ako ng biglang tumayo si Chester at hawakan ang kamay ko bago ako hilahin palabas ng bar. "Oh, s**t! Naparami yata ang inom kong alak!" Pagkagising ko ay napahawak agad ako sa ulo ko, parang hinahati sa dalawa ang ulo ko sa sobrang sakit. Wala akong maalala sa nangyari kagabi. Napatingin ako sa tabi ko at nandoon si Shane na tulog na tulog pa. Tumingin ako sa paligid ko, nasa condo ko kami, malamang ay hindi naka-uwi si Shane kaya naman dito na rin siya natulog. Tumayo ako sa kama ko at dumeretso sa banyo para maligo. Sobrang sakit ng ulo ko, nasusuka pa ako. Hindi ko na kontrol sarili ko kagabi. Ngayon lang ulit ako nakainom ng ganoon. Pagdating ko sa banyo ay hinubad ko lahat ng damit ko bago ako pumunta sa shower room ko. Habang naliligo ako ay inaalala ko kung ano ba ginawa ko kagabi. Unti-unti kong naalala ang nangyari hanggang sa sumama kami sa grupo nila Chester at... "Whaa!" Malakas na sigaw ko na maalala ko ang ginawa namin kagabi. Napatingin ako sa daliri ko at nakita ko roon na may singsing akong suot. T*ngina! Totoo ba ito? Kinasal ba talaga ako kagabi kay Chester? Ang huling naalala ko ay nambulabog kami sa father ni Weyn na nainis sa amin dahil sa pang-i-istorbo namin. Ayaw pa niya sana kami ikasal ni Chester kasi mga lasing kami pero mapilit kami at naalala ko kinausap siya Chester ng masinsinan. At bago mawala lahat ng alaala ko ay... Napahawak ako sa labi ko at nanglaki ang mga mata ko. "Whaa! P*nyeta ka Canaleja!" Malakas na malakas na sigaw ko. Gusto ko lang ma-interview at makaganti sa kaniya, hindi iyong maikasal sa kaniya. Ano na naman ba itong napasok kong gulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD