Pinagmasdan ko ang building sa harap ko. Tinawagan kasi ako ng ate ko at pinaderetso ako sa hotel na pagmamay-ari raw ni Thunder dito raw kasi gaganapin ang engagement nila. Wala na rin akong nagawa kundi sumang-ayon at sumunod sapagkat pangbawi ko na to sa kanila and in addition I am her only close family kaya dapat dadalo ako saka wala naman daw sina Kelvin kaya okay lang. Tanging ang magulang lang kasi ni Thunder at ako ang maghaharap. Parang magkakaroon lang ng pamamanhikan na magaganap. Karga-karga ko ang anak ko na ngayon ay nakatulog na. I hope I made the right decision. Sana itong pagharap ko sa mga pamilya ng mga Cajes ay walang mangyaring masama. Nahihiya rin akong pakiharapan si Thunder dahil sa mga nasabi ko rito pero sabi nga ni ate wala naman daw 'yon kay Thunder. May kasala

