ZION'S POV Hinatid na namin si Lai pabalik sa kanila dahil kailangan pa niyang mag-ayos para sa birthday celebration niya mamaya. Nang huminto na sa tapat ng bahay nila ang kotse ay agad siyang tumingin sa akin. "See you later." Sambit niya. "See ya." Sagot ko at agad na siyang bumaba ng kotse kaya naman agad na itong pinatakbo ni Gab. "Aamin na ako sa kanya mamaya." Sambit ko kay Gab. "Talaga? Whoa. Good choice. Mabuti naman at naisipan mo nang gawin yan." Sagot ni Gab. Napangiti na lang ako at tumango. Naisipan ko nang umamin sa kanya dahil alam kong naguguluhan na siya at ayoko nang pahirapan siya. Pagkarating namin sa bahay ay agad na kaming kumilos ni Gab para mag-ayos. Nang makaayos na kami ay agad na kaming nagtungo sa venue ng party. "Zion, dumating ka." Sambit ng isang b

