Im with you Pagbaba ko ng kotse , taas noo akong naglakad at diretso lang ang tingin. Wala kang mababakas na ibang ekspresyon sa mukha ko kundi blangko. Ramdam ko rin ang pagtitig ng iba kong schoolmates habang dumadaan ako sa corridor pero diretso lang ang tingin ko. Pagpasok ko ng classroom katahimikan ang sumalubong sakin , nakita ko sa gilid ng mga mata ko na napatingin sila sakin pero di ko sila pinansin at dire diretsong naglakad sa upuan ko. Sinuot ko yung headset ko at nagplay ng kanta. Sinigurado kong nakatodo yung volume para wala akong maririnig na iba kundi yung music lang. Nangalumbaba ako at tumingin sa bintana. Shinzui Academy , paaralan para sa mga elite people. Kung titignan mo para lang itong normal na private school . Ang alam ng karamihan halos perpekto na itong paa

