Strong Nakaharap ako ngayon sa salamin at tinitigan ang repleksyon ko . Ngumisi ako at kinuha yung kwintas na binigay ng misteryosong lalaki noong christmas eve. Dahan dahan ko itong isinuot saakin. [Merry Christmas. I hope you liked my gift , Arkishia ] Pilit kong inaalam kung kaninong boses ba yun , kung sino siya at bakit kilala niya ako. Malabong mga kaibigan o kaklase ko iyon noon o kamag anak o kakilala dahil alam nilang lahat na patay na ako. Patay na si Arkishia Sy Simula ng pasabugin nila ang bahay namin at ng dumating ako dito kayla Zoe kinalimutan ko ng pangalan ko ay Arkishia dahil ako na si Johanne Jezreel. "Jezreeel !! Late ka na !! Bilisan mo dyan" Tinignan ko yung relo ko 8:30 na . Late na late na nga ako. Kinuha ko yung bag ko at sinabit sa likod ko. Pinasak ko ri

