Janice's POV Walang tao sa paligid nang magising ako. Napagpasyahan kong bumangon at pumunta ng CR. Sinalubong agad ako ng salamin kung saan nakikita ko ang reflection ko. The hell?! What's with this bandage? Nakasuot ako ng hospital gown kaya tanaw ko ang benda sa kaliwang kamay at braso ko. Pinagmasdan ko ang mga iyon. May nakita akong peklat na tila na paso ng kung ano sa kamay ko. Sa'n galing 'to? "Janice?!" rinig kong tawag ni Missy sa labas. Gulong-gulo akong lumabas ng CR. Agad siyang lumapit sa akin na nag-aalala. "Akala ko kung ano na naman nangyari sa'yo. Ninenerbyos talaga ako tuwing ganito eh," wika niya. *'What happened?'* senyas ko sa kaniya. Hinilig niya ang ulo niya sa kabila, nagtataka siguro kung ano ang sinabi ko. "Tinatanong mo ba kung ano ang nangyari?" tanong

