Third Person's POV "Job is done, you can finish this up," wika ni Luke sa kasamang doktor. Pinuri naman siya ng mga ito dahil sa successful na operation. Lumabas siya ng operating room at nagbihis na. Nang makarating siya sa kuwarto ay sakto namang tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niya ang pangalan ng kaniyang ina sa caller ID kaya naman agad niya itong sinagot. "Oh, thank goodness! Finally sumagot ka na rin!" wika ng kaniya ina mula sa kabilang linya. "Hi mom. May problema ba?" tanong niya rito. "I've been calling you 10 times already, Janice also didn't answered my calls," bakas ang frustration sa boses nito. Kumunot naman ang noo niya nang marinig ang pangalan ng fiancé. "Janice? She's with you right?" "Ha? Hindi kayo magkasama? Umalis kasi siya kanina, may emergency raw.

