Janice's POV Afer naming makalabas sa lugar na iyon ay naglalakad lang kami sa tabi ng daan for almost 1 hour. Nakasunod lang ako sa kaniya, hindi kasi ako familiar sa lugar na iyon. Sa loob nang halos isang oras ay hindi pa rin siya nagsasalita. Ayaw ko namang siyang pilitin kaya matiyaga lang akong naghihintay sa kaniya. Nakita ko ang palihim na mga tingin niya sa akin. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Hindi ka ba uuwi?" tanong niya na hindi nakatingin sa akin. "Wala akong pera, hindi ko rin alam ang daan pauwi," sagot ko sa kaniya. Huminto naman siya sa paglalakad at humarap sa akin. Kagat-kagat niya ang ibabang labi na parang bang guilty siya. "Sorry, nadamay ka. Ihahatid na lang kita sa inyo, kukunin ko lang 'yong gamit mo," wika niya bago nagpa

