Third Person's POV Abot langit ang kabang nararamdaman ni Janice's nang parehong silang dinala sa hospital. Kasama niya sa loob ng ambulansya ang walang malay na si Luke. Halos wala na itong buhay at naliligo na sa sariling dugo. Halos hindi na rin ito humihinga. Nag-uunahan ang mga luha ng dalaga sa paglandas sa basang pisngi siya. Kanina pa siya umiiyak at hindi niya alam kung bakit hindi pa rin ito tumitigil. Sa tingin niya ay napakabagal ng oras na tila gusto niyang itakbo na mismo sa Luke papunta rito. "Please, fight for your life Luke," usal ni Janice sa sarili. Nagkagulo na sa hospital nang marating na nila ito, agad silang dinaluhan ng mga naka-assign na nurse at doctor. Ayaw niya mang malayo sa nobyo kaya sumama siya rito nang itakbo ito sa operating room. Nang marating nil

