Janice's POV Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ni Luke. Nakahilata pa rin siya sa kama at mahimbing na natutulog. Mas naging hectic ang schedule niya after Christmas and New Year. Marami kasing nasuaugod sa hospital due to accidents like naputukan, nagbanggaan, mayroon pa ngang na injured kasi napaaway raw. He always spend almost 48 hours at the hospital. Minsan nakakapagbreak lang siya ng 2-4 hours. And no matter how short his rest is ay humihirit pa rin siya ng...ano. Basta 'yon na 'yon. Bumangon na ako para maghanda ng pananghalian since 11 na rin ng umaga. Mabuti na lang at wala akong trabaho ngayon. Kinuha ko ang suot niyang T-shirt kagabi at sinuot iyon. I opted for pasta at kare-kare. Namiss ko kasi ang mga luto ni Nanay Helen noon. Hindi naman ako sigurado kung kumakai

