CHAPTER THIRTY-FOUR BRIXXE POV. MABILIS DUMAAN ANG MGA ARAW, BUWAN. NAging maganda at maayos na ang kung anong meron sa amin ni Xyvielle. Katunayan palagi na kaming magkasama na lumabas at lalong napalapit sa isa’t-isa. Tatlong araw na ang lumipas magmula ng hindi kami nagkita at magkasama. Sobra ko na siyang namimiss dahil pareho kaming abala sa mga school work namin. Even weekends hindi na kami nagsama ulit. Malapit na rin ang Christmas break and looking forward ako dahil panigurado magkasama kami ni Xyvielle. Napag-usapan na rin namin na magkasama kami mag-simbang gabi, sa Pasko man iyan at Bagong taon. Nasa kalagitnaan ako ng aking ginagawa ng biglang nag-beep ang phone ko. Post from Xyvielle both on her i********: and f*******:. Napangiti ako habang nakatingin sa picture. Picture

