CHAPTER SEVENTY EXACTLY FOUR THIRTY IN THE MORNING, nakaalis na ang mag-anak patungong Batanes. Si Bryan ang nag-drive sa sasakyang sinasakyan nila habang si Drei naman ang sa kanilang sasakyan na nakasunod sa sinasakyan ng pamilya ni Brixxe. “Sweetheart, magsabi ka lang kapag pagod ka na. Pwede naman kitang palitan na mag-maneho,” biglang saad ni Sophia sa fiance nito. Napatingin sa kanya si Bryan. “I'm fine, don't worry. Nandiyan ka lang sa tabi ko ay sapat na,” aniyang ningitian ang nobya at hagkan ang kamay nito. “Ikaw lang naman ang inaalala ko e, baka aantukin ka!” “Kaya ko naman! Isa pa nakatulog naman tayo ng mabuti kagabi,” aniyang hinawakan ang pisngi nito. Makalipas ang dalawang oras ay nadaanan nila ang drive thru ng isang Food chain. “Gutom na ba kayo?’ biglang tanon

