CHAPTER SEVENTY-SIX CHLOE POV Makalipas ang isang araw, matapos akong makapag-shopping at mag-impake kahapon ay ngayon na ang alis namin ni Paul. Hindi naman namin kailangan na maagang bumiyahe. Sinabi ko na yan kay Paul kagabi. Araw ng sabado ang alis namin papuntang Probinsya nila kung saan doon nakatira ang grandparents niya. Paminsan-minsan bumisita si Paul doon lalo na kapag summer. Tulad ngayon na magsisimula na ang summer season na kung saan ito ang pinakamagandang pagkakataon na magbakasyon. Isa pa, mag-road trip lang kami. Mas gusto kong bumiyahe ng ganun kahit matagal at malayo para matagal ko siyang makakasama sa biyahe. Bihira lang kasi kaming magkasama ni Paul dahil na rin sa klase ng work niya. As what I’ve said before, he’s older than me.Kaya nga siguro nag-mature ako

