CHAPTER EIGHTY-FIVE WE SAID GOODBYE TO MOM AND DAD, Papunta na sila ng Airport at hindi na kami sumama ni Xyvielle sapagkat may lakad din kaming dalawa. Si Ate Beatrice at Sophia at ang mga bata lang ang naghatid sa mga ito. Samantala magkasama naman si Shane at ang boyfriend niya. Dumating kasi ito kaninang umaga. Ang pagkakaalam ko mag-extend si Shane kasama ang boyfriend nito hanggang bukas o hanggang sa makalawa. Bale ang babalik ng Maynila mamayang hapon ay si Ate Beatrice, Tita Alice at Kuya Drei. Nakakatawa ng dahil noong pagdating ng boyfriend ni Shane ay tampulan ng tukso si Kuya Drei dahil sa mag-isa lang ito at walang partner. Habang tahimik lang din si Ate Beatrice. Naungkat tuloy ang minsang nagkagusto di Kuya Drei sa kapatid ko. Kahit noon pa man na nasa high school kam

