CHAPTER ONE HUNDRED TWELVE BIGLA AKONG KINABAHAN habang papalapit kami sa kwarto ni Paul. Hindi ko alam if tama ba itong ginagawa namin ni Kaye. We are trying to invade his privacy until kumaway sa akin si Kaye habang inilapit ang tenga niya sa pinto. She hears something strange or parang may kasama sa loob si Paul. Biglang kumabog ang aking dibdib at gusto ko na sana mag-walk-out pero pinigilan ako ni Kaye. “Ngayon ka pa mag-walk-out na nandito na tayo,” saway at bulong niya sa akin. “Subukan mong buksan ang pinto.,” utos niya sa akin. Nanginginig na ang kamay ko habang nakahawak sa door knob. Nag-aalangan ako dahil ayaw kong malaman ang nasa loob hanggang sa hinawi ni Kaye ang kamay ko at siya na mismo ang nagbukas ng pinto. Pareho kaming nagulantang sa aming nakita pagbukas namin ng

