(*Nyx pov*) Nandito kami ngayon sa secret room ng bahay ni tito. "ipapaliwanag ko muna kung ano ang kayang gawin ng curse ability ng mas maintindihan mo"sabi ni tito. "kapag na kontrol mo na ang ability na ito ay kaya mong iparamdam ang sakit na gusto mong maramdaman ng isang tao, sa isang segundo lang, kaya mong baliin ang mga buto nito gamit lang ang iyong isipan, at kaya mo itong patayin sa isang tingin lang."mahabang paliwanag ni tito, nakakamangha. "pwede na ba tayong mag umpisa?"tanong ko, tumango naman ito. Nag palabas ng tatlong mababangis na halimaw si tito. "Anong gagawin ko dyan?"tanong ko. "mag concentrate ka, isipin mo kung ano ang gusto mong mangyari sa kanila."sabi ni tito. Kaya ng concentrate ako, at tinignan ang isang halimaw sa mata, mamatay kana, mamatay kana, ma

