(*Nyx pov*) Tatlong araw nalang at kaarawan ko na, at may nararamdaman ako na may kakaibang mangyayari ngayon, siguro dahil baka mapalayas na ako? pero hanggang ngayon ay wala pa akong maisip na paraan. "Hey nyxx! Tulala ka na naman?!"sigaw ni twain sakin. "wala "tanging sagot ko at umalis na ng room dahil wala namang pumasok na prof samin, at yung iba ayun may kanya kanyang ginagawa. Pupunta sana ako sa caf, pero may naramdaman akong darkrians? at isang di ko alam kung ano pero malakas. Napadpad ako sa garden, at nakita ko ang limang darkrians na sinusubukang hulihin ang isang wolf? kamukha sya nina zayne at wayne, pero kulay itim sya at may diamond din sya sa noo pero kulay itim din at may pulang mata, napansin ko rin na may scar sya sa mata. Napatingin naman sakin ang mga darkrian

