Chapter 14

1634 Words
“Carolayn, this is for you.” Inabot sa akin ni Carlos ang paper bag, pero tiningnan ko lamang ito. The last time I remembered. I didn't ask anything from him. “Salamat carlos, pero hindi ko matatanggap yan.” Tanggi ko agad kahit hindi ko pa alam ang laman ng paper bag. Ngayon lang pumasok sa school dahil nawala ito ng ilang araw. “Just a simple gift, ikaw agad ang naisip ko while on short trip, kaya binili kita ng pasalubong.” Giit nito na nanatiling naka hang ang kamay hawak ang paper bag. “Common, Carolayn this is just small thing, pasasalamat ko sa tuwing tinutulungan mo ako sa math subject natin, it's my bad di man lang kita natanong, before I bought it, kaya di ko alam if magugustuhan mo ba ang binili ko, well, I hope so” Tinanggap nalang ni Carolayn ang paper bag saka nilagay sa tabi nito. “Salamat carlos pero, sa sunod huwag mo na ako bigyan ulit, dahil wala akong kakayahan ibili ka for exchange.”That's her belief, she want something to give for exchange, Nag-guilty siya pag walang maibigay pabalik. “Of course not,” Hindi ako nag iisip ng kapalit masaya lang ako na bigyan ka ng kahit ano, ewan ko, I feel it na ang gaan ng pakiramdam ko sayo, but don't get me wrong, not in a romantic way, it's a kind na ur like a sister to me kahit bago lang tayo nagkakilala ganon na ang pakiramdam ko sayo.,,” Dahil ang totoo magkapatid talaga tayo carlos. Bulong ng isip ni Carolayn, sa lahat ng kapatid niya si Carlos ang pinakamabait dahil na meet narin niya ang dalawang kapatid nito sa kanyang ina sa ibang tatay. Katulad lang din ni Helena isang competition ang tingin ng mga ito sa kanya. ____ Ano po ang ginagawa niyo dito,,? pagtatakang tanong ni Carolayn sa kanyang papa ng bigla na lang ito bumungad sa kanyang harapan. palinga-linga pa siya sa paligid. Baka accidentaly lang ang pagkikita nila, pero wala ng ganong tao ng oras yon kaya malamang siya ang sadya nito. “May balak kabang pirahan ang anak ko.,,!? Galit na wika nito. “Ano ang ibig niyong sabihin papa hindi ko po kayo maintindihan,,? Nagtatakang saad ni Carolayn. “I said, don't call me papa! baka may makarinig sayo.,,!”Matigas na wika nito na may kasamang pagtitimpi. Carolayn doesn't recognise her father anymore. Kung bakit galit na galit sa kanya. Iisang dugo lamang ang nananalaytay sa kanilang ugat, pero kung ituring siya nito, tila siya na ang pinakamasamang tao sa balat ng lupa. “Ang tinutukoy ko ay si Carlos pinipirahan mo ba siya,? dahil may nakapag sabi na binigyan ka niya ng regalo,? Ilang beses Kong sabihin sayo na layuan mo si Carlos! Hindi ka magandang impluwensya sa anak ko,! dahil katulad ka rin ng nanay mong walang kwent**!” Kulang na lang hagitin siya ng ama palayo sa lugar na yon. Pero nanatili siyang kalmado at matigas sa harap ng ama, kahit ang totoo durog na durog na ang kanyang puso. “Wala po akong ginagawang masama si Carlos ang laging lumalapit sa akin.” Katwiran nito. Pero kahit anong paliwanag niya ayaw maniwala ng ama. “Better quit! Umalis ka sa school na ito bago mo pa masira ang pamilya at ko.!” Parang bomba yon sa pandinig ni Carolayn, Paano nakakayang sabihin ng kanyang ama ang mga katagang yon! Ito nalang ang tanging maituturing na maipagmamalaki niya sa buhay, pero aalisan pa siya ng karapatan ng ama nito na magkaroon ng kinabukasan! Gusto na lang niya maglaho ng mga sandaling iyon baka sakaling maging masaya ang lahat. “Pe–Pero paano po ang pag aaral ko papa,,?”Sa muli’y naisatinig niya kahit pati ang bunganga niya tila wala ng lakas magsalita pa. “Wala akong pakialam sa pag aaral mo! basta umalis ka sa school na ito! para tapos ang usapan, dahil hindi ko hahayaan na isang katulad mo lang ang sisira sa lahat!.”Huling wika ng ama bago umalis. Isa-isang nag silaglagan ang mga luha sa magkabilang pisngi ni Carolayn habang sinusundan ang papalayong ama. Wala siyang kasalanan ngunit bakit ganito para siyang pinaparusahan. Sa halip na magpatuloy sa paglalakad naupo muna siya don sa bakanteng upuan upang ikalma ang sarili. Pakiramdam niya di niya kayang ihakbang ang mga tuhod dahil sa panghihina. Paano niya sasabihin sa lola ang tungkol dito.? Inaasahan nitong dito siya magtatapos ng pag aaral sa naturang pinapasukan. Dahil Dalawang taon na lamang ang natitira at gagraduate na siya sa kursong HRM. “Carolayn?” Nag-alalang tawag ni apollo ng naabutan niyang umiiyak ang babaeng. Mabilis na pinunasan ni Carolayn ang luha nito gamit ang kamay. Wrong timing tlaga, palagi siyang nahuhuli ng lalaki na umiiyak. Hindi niya pinansin ang lalaki, tumayo siya sa upuan saka nagpatuloy ng paglalakad kahit naron pa ang panlalambot ng tuhod. Hindi niya namalayan sinundan pala siya ng lalaki. “Kung kailangan mo ng Kausap nandito ako Carolayn” wika ng lalali sa kanyang likod. “Leave me alone! Matigas na sagot nito. “Nandito ako bilang kaibigan mo Carolayn, u can share it to me, if you want.” giit ng lalaki at sinabayan ang paglalakad nito. “ Ilang beses Kong sabihin sayo! Leave me alone!” Hindi ko kailangan ng kausap! Taboy nito ngunit tila walang narinig ang lalaking sa halip hinila nito ang braso ng babae kaya napunta siya sa dibdib ng lalaki. Humagulgol si Carolayn ng yakapin siya ng mahigpit ni Apollo. “Common, just cry, it will help to ease your feelings.” Pag-aalo ng lalaki habang haplos ang likod nito. Tinudo ni Carolayn ang pag iyak siguradong mababasa ng luha ang damit ng lalaki. She wants to take out her heavy feelings. Patong-patong na nagmula kay Apollo, pero ang pinakamasakit ay stranger kung ituring siya ng ama. Halos kalahating oras ganon ang position nila, di nagsalita ang lalaki tanging kamay lang nito ang naramdaman ni Carolayn humahaplos sa kanyang likod para e comfort siya. Maraming luha ang nalabas niya kaya gumaan ng kunti ang kanyang pakiramdam. Makalipas pa ang ilang sandali humiwalay na siya sa dibdib ni Apollo habang naron pa rin ang konting patak ng luha. “I'm sorry kung nabasa ng luha ang damit mo.” Saad nito sa paos na boses. “Aalis na ako.” bago pa ito makatalikod tinawag siyang muli ng lalaki. “Wait,,,ihahatid na kita hapon na baka mahirapan kang sumakay.” presenta ng lalaki. “And don't forget, I'm always here, kung kailangan mo ng dibdib na maiiyakan.! Nakangiting Pahabol na wika ng lalaki. “Sanay ako sa hirap,! aalis na ako, salamat ulit.” Mariing tanggi nito bago umalis. ____ Ginabi na ng dating si Carolayn sa kanilang bahay, dahil inabutan siya ng traffic sa daan. Naabutan niya ang kanyang lola na nasa sala halatang hinihintay siya dahil mababakas sa mukha ang pag alala. “Pasensya na po lola kung ngayon lang ako, traffic po kasi. Hinging paumanhin nito, lumapit siya sa lola sabay mano. “Okay lang apo, mahalaga nakauwi ka ng maayos. Segi na magbihis ka na at ng makakain na tayo.” “Segi po.”Tumuloy sa kanyang kwarto upang magbihis. Kinakabahan siya baka mahalata ng lola nito ang pamamaga nang mata. Tiningnan niya sa salamin halatang galing siya sa pag iyak. Hindi lang ito napansin ng lola sa sala dahil medyo may kadiliman Don. “Carolayn apo halikana.,,” Narinig niyang tawag nito. “Papunta na po.” Aniya , Mabilis siyang nagpalit ng damit saka lumabas sa kwarto bahala na hahanap na lang siya ng dahilan kung sakaling mapansin ang pamumula ng mata. “Carolayn apo, bakit nakayuko habang kumakain.,,?”Pansin ng lola nito. “Wala po la.”Sagot nito sa mababang boses. “Alam kong may kakaiba sa paraan ng boses mo pagpasok mo palang kanina.”Usisa ng lola nito. Hindi siya makakapag sinungaling sa lola dahil baby palang siya alam na niya ang buong pagkatao nito. “Wala po akong problema lola,”Sagot nito muli pagkatapos uminom ng tubig sa baso. Pero kahit ano pa ang dahilan niya, di niya mapapaniwala ang kanyang lola. “Naku nagdeny pa, papunta ka palang apo, ako pabalik narin.” Mga linyahan ng kanyang lola sa tuwing gusto netong malaman ang niloloob niya. Tuluyan ng umangat ng ulo si loren saka deretsong humarap sa lola. Hindi ko alam kung saan ako mag uumpisa. Paano ko sasabihin sa kanya na pinapaalis ako ni papa sa school na pinapasukan ko.? Kung ako lang ang masusunod pwede naman akong lumipat sa ibang school kahit saan basta makapagtapos at may diploma. Pero yon na nga, Ayaw kong madissapoint si Lola, dahil ito ang pangarap niya para sa akin. “Pwede po ba akong lumipat ng ibang school la?”Habol hininga saad niya. Bumakas ang pag alala sa mukhang ng matanda. “Bakit,,? May nangyari ba school mo,? May umaaway ba sayo,,?” “Naisip ko lang baka nahihirapan ka ng magbayad ng tuition fee ko,.” Wala na akong maisip na ibang paraan kaya ito ang unang pumasok sa isip ko. Totoo naman nahihiya na siya, dahil di basta-bastang halaga ang binabayaran ng kanyang lola para sa lahat ng gastusin nito sa school. Bukod pa ang shoolarship nito na kahit paano nakakatulong din sa 50 percent ng bayaran nito. Pagdating naman sa allowance hindi na niya kailangan humingi, dahil may natatanggap siya sa pagiging student assistant nito. “Sayang apo dalawang taon na lang magtatapos kana. Kung ang bayarin ang iniisip mo, huwag kang mag alala may nakalaan na dyan, okay” Hindi makapagsalita si Carolayn paano niya ipapaliwanag na kailangan niyang lumipat ng ibang school, dahil sa pagbabanta ng kanyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD