Chapter 34

1102 Words

“Kanina ka pa walang imik, BF. Okay ka lang ba?” ‘di mapigilang tanong ni Avon kay Keith. Kanina pa kasi ito tahimik mula nang sinundo sila nito sa classroom para mag-lunch. Magkatabi silang nakaupo sa mesa habang si Tasha naman ay nakaupo sa tapat nila. Kasalukuyan silang kumakain ng dessert na red velvet cake nang ‘di na mapigilan ni Avon na magtanong. Never naman kasing naging tahimik si Keith kapag magkasama sila kahit pa nga noong ‘di pa nag-level up ang relasyon nila. Tatahimik lang ito kapag may bumabagabag dito. Si Tasha ay napansin rin iyon pero hindi lang ito nagsalita. Nanatili lang itong nakamasid at nag-oobserba sa dalawa. “Ha? Ah, oo okay lang naman ako. Inaalala ko lang kung may nakalimutan ba akong dapat ipasa. Balak ko kasing yayain kang mag-date sa sabado. May gagawi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD