Babe tara na? Yaya ni Trevor kay Macy ng handa na ito sa pag-alis nila para sa dinner na may surprise din ang binata para sa nobya.
Ok babe. I'm ready. Sagot naman ng dalaga at lumapit na sa nobyo nito.
Ginagap naman ni Trevor ang kamay ni Macy at lumabas na sila sa kwarto na inuukupa nila.
Ganda ng buwan ngayon, sambit ni Macy na nakatingin sa kalangitan.
Oo nga eh, parang ikaw babe ang ganda. Nakangiting saad nito sa nobya na bigla naman kinurot ang kasintahan.
Babe naman eh, pinapakilig mo naman ako. Kainis ka talaga. Sambit naman ng dalaga na hinampas din ang nobyo.
Babe kinikilig ka pero sinasaktan mo naman ako. Natatawang turan naman ni Trevor dito.
Habang naglalakad silang magkahawak kamay, naguluhan bigla si Macy kasi hindi sila sa resto papunta. Kaya tumingin siya sa nobyo na napapakunot ang noo.
Babe hindi naman ito daan papuntang resto ah. Saan ba tayo kakain? Kunot noong tanong nito sa nobyo.
Relax lang babe. Just wait and see. Sagot naman ni Trevor.
Ano na naman to babe? Tanong pa uli ni Macy.
Basta babe, just follow me.
You are full of surprises samantalang ako hindi man lang kita masurprise. Nalukungkot na sambit ni Macy sa nobyo na kinatigil naman nito sa paglalakad.
Babe, hindi mo naman na kailangang sorpresahin ako kasi ang presence mo sapat na sa akin. Hinalikan pa nito ang noo ng dalaga.
Inaya na siya nito sa dalampasigan banda at bigla na lang siyang nagulat sa nakitang dinner set-up.
Surprise babe. Sambit ni Trevor sa kanya sabay halik dito.
Babe dito tayo magdidinner? Tanong ni Macy sa nobyo.
Oo babe, this is my surprise for you.
Ano ba nagawa ko at binigay ka ni God sa akin babe. I was so happy. Naluluhang sambit naman ni Macy.
You are worth all of this babe. Tara kain na tayo. Yaya na ni Trevor kay Macy habang magkahawak kamay silang pumunta na sa nakahandang dinner para sa kanila.
Wala talaga akong idea na may surprise ka uli babe. Galing mo magtago talaga. Mabuti na lang at bagay itong suot ko. Saad ng dalaga na yumakap naman sa nobyo.
Kahit naman ako isuot mo babe you will be the prettiest girl if ever met.
Bolero ka naman babe. Pero I wanna say thank you for making me happy always babe. I love you so much. Sambit ng dalaga n kinawit ang kamay sa leeg ng nobyo.
I love you too babe. I am so happy na nakilala kita. Sambit naman ni Trevor na hinalikan din ang nobya nito.
Nagulat pa si Macy na biglang may tumugtog na violin habang paupo na sila sa mesa na may nakahaing pagkain.
Babe this is so sweet. Ilan na kaya ang nasurprise mo ng ganito ha. Nagbibiro na tanong ni Macy sa binata.
Ikaw pa lang babe. I swear. I'm not into like this pero sayo nagawa ko. This is love. Sambit na Trevor na hinalikan pa ang kamay ni Macy na hawak niya.
Oh babe you are so sweet. Kain na tayo, gutom na ako. Sambit naman ni Macy na nagpatawa kag Trevor.
Kala ko talaga may sasabihin ka pa. Gutom ka na pala talaga. Natatawang turan naman ni Trevor.
Seriously babe. Hindi ko alam talaga sasabihin ko sa surprise mo na ganito pero I am so happy about it. Salamat talaga.
You are so special babe kaya ko naisipang gawin ito. Saad naman ng binata ag sinubuan pa ang dalaga na tinanggap naman nito.
Kumakain na sila habang may tumutugtog naman ng love song sa paligid nila. Kinukunan naman ng picture ni Trevor ang dalaga para sa intimate dinner nilang iyon. Nagpakuha din siya ng picture nila para mag remembrance naman siya sa dinner nilang iyon.
Are you enjoying babe? Tanong ni Trevor sa nobya habang sumisimsim ito ng wine pagkatapos nila kumain.
Sobra akong nag-eenjoy babe. This is too much. Sobrang salamat sa surprise na ito babe.
Deserve mo ito babe. Wanna dance? Tanong niya sa nobya habang nilalahad ang kamay dito.
I love to babe. Sabay abot ng kamay ni Trevor na abot tenga naman ang ngiti dahil sa kasiyahang nakikita sa mukha niya.
Tumayo na sila at pumunta sa gitna habang may love song na tinutugtog sa violin.
Hinapit ni Trevor ang bewang ni Macy na kinawit naman ang kamay sa leeg ng nobyo.
Ang ganda talaga ng gabing ito babe. Isa sa mga gabing hindi ko makakalimutan. Humalik pa si Macy ng mabilisan sa labi ng nobyo.
Babe nagnanakaw ka talaga ng halik. As much as gusto na kitang ipasok uli sa hotel room para masolo, hindi ko naman maitsapwera ang kagandahan ng paligid na umaayon sa surprise ko na ito sayo. Ang ganda talaga ng gabing ito. Ang perfect para sa mahal ko, sambit ni Trevor na tumingin pa ng makahulugan sa nobya.
Babe paiiyakin mo naman ako eh. Naluluha ng sambit ni Macy.
All of this are worth it babe. You ata worth it. At lalo pa nitong hinapit ang katawan ng nobya. Napapapikit na din si Trevor sa ganda ng musika na tinutugtog ng violin. Maganda pakinggan habang magkayakap na sumasayaw ang magkasintahan.
Sa isang araw babalik na tayo sa Manila kaya sinusulit ko na ang panahon na magkasama tayo babe. Gusto kong hindi mo kalimutan ang mga magagandang nangyari sa quick get-away natin na ito.
Hindi ko talaga ito makakalimutan babe. Ito ang isa sa mga pangyayari na tatatak sa puso ko. Salamat talaga babe at hindi mo talaga ako binibigo. You are so amazing boyfriend ever. Sambit pa ng dalaga na nagpakilig naman kay Trevor kaya hinalikan pa nito ng masuyo ang labi ng dalaga na hindi niya pagsasawaang halikan lagi.
Babe maglakad-lakad tayo. Aya ni Trevor kay Macy na agad naman nitong pinaunlakan.
Paano itong mesa natin? Hindi pa naman natin nauubos ang wine. Gusto ko din sana ng desert mamaya babe at sana dito pa rin tayo kakain nun. Nagpapacute na Saad nito sa nobyo.
We can go back babe. Iwanan mo na lang muna ang sandals mo, iiwanan ko din ang sandals na suot ko. Gusto ko magpaa lang tayo na naglakad-lakad. Saglit lang naman tayo. Balik na din tayo para sa desert na gusto mo. Para mamaya ikaw naman ang magiging desert ko. Bulong naman ni Trevor sa nobya na kinurot naman siya.
Dami mo talagang alam babe. Tara na nga. Yaya na nito sa nobyo.