Raketera

1001 Words
"Nay aalis na po ako ha. Kumain na po kayo dyan". Paalam nito sa ina. "Sige anak mag-ingat. Maya-maya aalis na din ako para magluto sa karinderya. Dumeretso ka na doon pagkatapos mo sa palengke". "Opo inay. Doon na ako kakain din, mamayang gabi na po ang pagsisimula ko sa bar. Baka po umagahin na ako ng uwi. Pag nagkataon Nay kayo na muna ni Dino magbabantay sa palengke at kailangan ko munang mag-beauty rest pag-uwi ko". "Mabuti naman anak at natanggap ka ding waitress. Mas makakapahinga ka ng pagbebenta ng isda sa palengke kapag maging maayos ang sahod mo doon. Pwede mo ng bitawan yung pwesto mo anak". "Naku inay kinagisnan ko na ang palengke kaya ok lang kahit magtrabaho pa din ako doon. Mas madami tayomg magiging ipon para sa pag-aaral ni Dino. Kung sabagay Nay kapag malakas ang kita ko sa bar hindi na lang ako magtitinda sa palengke". Naiisip na rin naman niya na option yun. "Aalis na ako Nay at baka maisipan ko pang magsulat kay Charo Santos para may MMK entry tayo". Pagbibiro nito sa ina. "Batang ito talaga. Masaya lang ako at hindi mo talaga kami pinababayaan. Mag-iingat ka anak," sambit uli nito sa anak. "Aalis na ako Nay". Paalam uli ni Macy at lumabas na ito ng bahay nila. Pagdating sa palengke pumunta na siya sa pwesto niya. Inayos niya muna ang pwesto niya, ang kapatid niyang binatilyo na si Dino muna ang nagbabantay nito habang siya ay nasa bahay. Paminsan ang nanay niya ay nagbabantay din kapag may iba siyang raket o gabi na siya nauwi at kailangan niyang magpahinga. Iniisip niya na rin talagang I-give up itong pagtitinda sa palengke kapag nakaipon na siya ng pagtayo ng maliit na sari-sari store para sa ina niya. Mas makakabuting sa bahay na lang at tumatanda na din ang nanay niya. Mas makakapagpahinga din ang nanay niya pati sa pagluluto nito sa karinderya ng kaibigan nito. "Beshy magandang morning," bati sa kanya ng kaibigan niyang bakla. "Oh Manuel ang aga naman ata ng pagtambay mo dito." Tanong niya dito na kinataas naman ng kilay nito dahil sa pagtawag nito ng tunay na pangalan. "Manuel talaga Beshy, its Mae para naman pagirl. Ang aga mo naman painitin ang ulo ko. May ipapakita pa naman ako sayo". Tampo nito sa dalaga. "Ito naman hindi na mabiro. Ano yung sasabihin mo beshy?" Nakangiting tugon naman ni Macy. "May bago kasi akong magazine na nakuha sa parlor. Ito o mga fafa na mayayaman ang nakafeature sa isang article. At take note yung mga yan ang nagmamay-ari lang naman ng mga yate na malapit sa atin na daungan beshy. Ayun pa dito ginaganap pala dyan ang monthly get together nila pagkatapos lahat sila at pupunta sa isang isla para magliwaliw. Ang bongga diba. Makakasakay ka na sa yate, makakapunta ka pa sa isang destinasyon na pupuntahan nito. Ayun pa din dito may sari-sarili silang partner na dinadala sa yate. Sana besh tayo ang madala noh". Pagkukwento naman ng kaibigan niya. "Naku beshy, tayo kaya eh mapapansin niyan?" Taas kilay na tanong ni Macy. "Tiyak na ang mga dinadala na babae nyan eh mga alta sosyedad at kabilang din sa angkan nila. Hindi tayo papasa sa kanila." "Ooopss beshy, huwag tayo nawalan ng pag-asa. Habang tayo ay nabubuhay may pag-asa tayo na makatungtong sa yacht club na yan. At good news beshy ang kapitbahay namin nagtatrabaho doon kaya pwede tayo makapasok. Kinakaibigan ko na siya para matupad ang pangarap mo na makadaupang palad ang isa dito". Binuklat ni Manuel ang pahinga kung saan lahat ng members sa yatch club na yun ang may picture. "Ito beshy ang pinakapogi sa kanila at of course bilyonaryo at the age of 29. The name is Trevor Montecillo. Napakasimpatiko niya beshy. Nalalaglag na agad panty ko". Biro nito sa dalaga. "In fairness ang gwapo nga niya pero tiyak naman na madaming babae yan besh". "Oo naman madami pero kapag nakita ka niya besh, o may pagkakataon ka na madagit yan huwag mo ng pakawalan ha. Hanapan mo na lang ako ng barkada niya para magkita na lang tayo doon". "Sana nga makasalubong ko man lang yan beshy". Tugon na lang ni Macy at nagpasintabi muna sa kaibigan at may bumibili. Pasalamat na lang din si Macy at madami siyang mag suki. Marami ding umaaligid sa kanyang manliligaw. sa palengke pero hindi na niya ito pinapansin at madami siyang priorities sa buhay. "Beshy sabi pala din dito sa susunod na linggo na ung get together nila dyan o may party dyan sa yatch club kaya dapat makapasok ka doon. Ako bahala sa ayos mo at damit. Ang poproblemahin na lang natin ay kung paano tayo makakapasok doon. Gagawa ako ng paraan para makapasok ka kahit walang imbitasyon". Nakangiting tugon ng kaibigan. "Basta hindi ako mapapahamak beshy ha. Go ako dyan. Mamaya na nga pala ang simula ko sa bar. Madadaanan ko yung yatch club kaya baka makasalubong ko yang pogi na yan". Kindat nito sa kaibigan. "Sana nga Bes, basta ha kapag naswertihan na makapasok ka dyan. Huwag mo ako kakalimutan. Baka initsapwera mo na lang ako kapag nagkataon sasabunutan talaga kita". "Pareho talaga kayo ng nanay ko, madadrama. Hindi besh ha, madami na tayong pinagsamahan kaya magkakasama din tayo na uunlad. Andyan ka palagi para tulungan ako kaya hindi ka nawawala sa listahan ng mabibiyayaan ko kapag nakamit ko na ang swerte sa buhay ko". "Balitaan mo na lang ako kapag may solusyon ka na kung paano ako makaka-gate crash sa party na yun ha". Pag-uulit ng dalaga sa kaibigan nito. "Oo na beshy, huwag atat at baka mapurnada. Malayo pa naman kaya tingnan natin kung ano ang mangyayari. Sana nga talaga makapasok ka". "Babalik na ako sa parlor besh at baka sabunin na naman ako ni mother earth kapag hindi pa ako bumabalik". Ang tinutukoy nito ay si Mama Marilyn na isa ding bakla. Kilala na din siya nito kasi doon siya nagpapa make-up kapag may biglaan siyang lakad na kailangan niya mag-ayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD