Beach

1300 Words
Shakira pov " Elliott binuhat mo ba ako kagabi?" Nag brebreakfast kasi ngayon dito sa labas. Maganda kasi ang sun rises dito sa Veranda. " Oo... ayaw mong magising, napagod ka ata kagabi.." " Salamat Elliott....napansin ko may ibang sasakyan sa garahe... kanino yun? " Humigop ako ng kape at tinignan lang siya. Nagpangiti lang ako. " Mag empake ka for 3 days na damit... aalis tayo" " ha? Saan tayo pupunta?" " sa Beach..." " Talaga? Magbebeach tayo? Kasama sina Ate Dexie?" " Nope... Tayong dalawa lang... Ayaw mo ba?" " Gusto... gustong gusto... waaahhh makakapasyal na ako... sa wakas!" " Nakapag reserved na ako ng rooms para saatin..." " Ang saya ko Elliott... hmmm " " why? " " Bakit mo ginagawa ito para sa akin? " Bakit nga ba? " Gusto ko din kasing magrelax...sunod sunod ang mga project ko...." " Sabagay.... mag eempake na ako...tapos na din ako... " Pumasok na ito sa loob. Naexcite ata siya kaya hindi na inibus ang pagkain niya. After lunch ng makaalis kami. Marami kaming binaon na pagkain. Sounds trip sa daan. Then napag isipan niyang mag games daw kami. Truth or dare... salitan. May ginawa siyang stick na pagpipiliin. May mga kulay ito. " Ganito... kapag nahugot mo ang red meaning truth... Pag black dare... oks ba?" " Sige payag!" nasa daan lang ang tingin ko dahil nadridrive ako. " ako muna mauuna..." Nabunot niya ay red...so Truth ang itatanong. " Ok first question.... hmmmm may naging boyfriend ka na? " nahihiya ko pang tanong. " Wala... still virgin.. " " Shakira!" suway ko sa kanya. Tumawa naman ito. " what?..hahaha eh ikaw Elliott?" " Hey... bubunot pa ako... Wag kang madaya.. " Bumunot ako sakto ay Red din " So what's the question?" " Yun?.... yung kanina... " Tinignan ko siya.. " come on Elliott... I'm already 25 years old... I'm too old enough for that topic... " " tsk... pasaway ka talaga... " " Well? " " Yes... May naging girlfriend ako sa Australia noon... bestfriend ko pero never ko siyang nagalaw...hanggang kiss at holding hands lang. " " why? " " anong why? " " why hanggang ganun lang? " " coz I respect my woman... I respect my girlfriend and I will respect to my future wife....." Napansin kong ngumiti ito. Kaya nilingon ko siya. " Shakira... hindi lahat ng lalaki gaya ng iniisip mo... We respect woman just like we respect our mother.. Yan ang isa sa mga habilin ng great great lolos namin. Kasal muna before that " " so gentleman naman... but what if....**you know hehehe" Tinignan ko siya ng masama. " Don't Shakira....you don't need to throw yourself to anyone or to someone ... Lalo na pag hindi naman kayo." " Hmmmp next..." bumunot ito. Black naman. " ok... ako na ang madedare sayo.." " game!" " sumigaw ka ng REYPINYOKO ng mabilis...!" " what? Ano yun? "curious naman siya. " basta REYPINYOKO isigaw mo.. " Binuksan niya ang bintana ng sasakyan. Tsaka siya sumigaw.. " REYPINYOKO! REYPINYOKO! REYPINYOKO!! " Tawa ako ng tawa... hindi niya at alam yung sinigaw niya kaya napatawa ako ng sobra. " What?... ano ba kasi yun? " " OK... ganito... dahan dahanin mo ang pagbigkas nun.." " REY----PIN---NI---YO---KO!" napatakip ito ng bibig At tumawa muli ako. " OMG... Grabe ka! Waaahh nakakahiya...!" " Dare nga eh..." " ikaw na naman...." Bumunot naman ako. " hahaha ok. Dare.. " " hmmmm.... Ano ba pwede? " "...... Alam ko na. Magdrive ka ng naka topless hanggang wala tayong nadadaanan na nagtitinda ng mais sa gilid ng daan. " " Noo!! " " ayaw mo? Ok... ganito nalang dahil sa salitang NO... you can't say no to me... hanggang hindi tayo nakakauwi sa Tagaytay.. " Naningkit ang mata ko. " Bakit parang lugi ata ako.. " " Ayaw mo mag topless... eh mamili ka.. " " fine!... I will not say No.. " Napa Yes sign naman. Humikab ito na para bang inaantok. " Matulog ka muna..." " Sure ka? Wala kang kausap? habang nagmamaneho..." " ilang beses mo na nga akong tinulungan eh..sanay akong walang kausap... " Natulog nga ito. Pasulyap sulyap nalang ako sa kanya. Nang makita kong nahihirapan siya sa pwesto niya., huminto ako saglit para maibaba ko ang upuan niya. Parang bata talagang matulog ito. Nasa tabi din niya ang Teddy bear niya. Nag stop over muna kami sa isang gasoline Station para magpahinga at magmeryenda. 2 hours na kasi akong nagmamaneho. Gutumin pa man din itong kasama ko. Nakaupo ito sa likod ng pick up. Ang pick up na ito ay dati ko ng sasakyan na hindi alam nila Mama. Maging ang Orga... May ininstall kasi akong device na hindi mahahanap ng Satellite...kaya hindi nila malalaman kung nasaan ako. Ang phone namin ni Shakira ay hindi registered sa Orga. Alam ko na tatawagan ako ni Mama para sa Fam day bukas " lumapit ka dito...may ketsup sa gulid ng labi mo.." kumuha ako ng tissue at pinunasan ko ang labi niya. " Elliott bakit wala kang naging kapatid?" Marami talaga siyang tanong. " hindi ko alam... siguro ay talagang ako lang magiging anak nila Mama... Hehehe gusto ko din ng kapatid. Kaso wala eh..." " Sayang ano... kung meron siguro at kasing gwapo mo ang magiging kapatid mo... baka siya magiging boyfriend ko." " kung meron man.. di ko alam kung magiging Girlfriend ka niya. Hehehe... " " Bakit? Eh maganda naman ako.... sexy naman ako... " " kaso isip bata ka... " " Hindi lang ako sanay sa mga bagay bagay dahil taong bahay ako mula pagkabata..." " Bakit ano ba gusto mo sa isang lalaki? " " Hmmm.... ako simple lang. Yung tanggap niya ako. Kung ano at sino ako... " " yun lang? " " Automatic din na mahal ako syempre.... hindi man gwapo... hindi man mayaman...basta totoo siya saakin... thumps up ako. " " Eh sa age? " dagdag ko " sa age naman... wala namang basehan eh... Diba nga age doesn't matter? Eh ikaw? Ano gusto mo sa isang babae...? " Tumabi ako sa kanya. " Simple lang.... yung hindi sinungaling.. yung totoo siya saakin.. " Hindi siya nakaimik bagkus ay nakafocus lang siya saakin. " even if she loves me more than her life... dapat walang lihiman.. " " Tara na nga...gusto ko ng mafeel ang Vitamins Sea.... " Inalalayan ko siyang bumaba. Nagtuloy kaming bumiyahe... Dahil nabuhayan na naman ito. Marami na naman siyang kwento tanong at kalokohan Eksaktong 5pm kami dumating papasok palang kami sa isang hotel na hindi gaanong dinadayo. Dito sa Birdland Beach Club Hotel and Resort Bolinao Pangasinan.  " Ang ganda ng View.... perfect sa bikini's ko na dala ko." " saan mo nabili ang mga yun? Wala akong maalala na binilhan kita...." " Sa shoppe....mura lang naman... pina address ko kay Aling Rita..." " Kailan mo binili? Eh kahapon ko lang binalak na mag Beach tayo ah.. " " Last week pa....hahaha ako na sana magyayaya sayo mag beach... kaso naunahan mo ako... Hahaha" Tatanggi sana ako ng... " opps anong usapan natin? You can't say No... hahaha...." Hinila na ako papunta loob. Nagkaproblema ang reservation ko. Ang dalawang kwarto ay iisa lang napareserve. " hindi.... sabi ko dalawang kwarto? Bakit iisa lang?" " sorry po sir... ang pagkakaintimdi kasi namin ay dalawa kayo... dalawang kwarto po pala..." paghingi ng sorry ng staff. " Elliott ok lang....sa iisang kwarto nalang tayo.... Ah Miss may extra foam ba kayo.. kahit yun nlang.. " " meron po mam... ipapahatid ko nalang po after... sorry po talaga. No Space no po kasi ngayon dahil Summer season na po..." " Ok lang Miss... Halika na Elliott.. nagsalubong na yang kilay mo... " paghila niya saakin Iisang kwarto kami? Tsk Ang hirap kumontrol ng sarili...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD