Binitawan ko ang hawak kong chips bag at maarte kong pinagpagan ang kamay ko pati na rin ang mumo na nasa hita ko. Napangiwi ako noong dumaan ang kotse sa isang humps. Tumingin ako sa unahan upang tingnan nang masama ang driver. "Careful naman," suway ko sa kaniya. Napansin ko na tumango siya. Ibinalik ko ang aking atensyon kay Kelly. Sumandal ako sa arm rest ng upuan. Sinitsitan ko siya upang makuha ko ang atensyon niya. Lumingon siya sa akin habang ibinababa ang kaniyang cellphone. "Ilang teleserye ba ang naka-line up sa akin ngayong taon?" walang pasikot sikot na tanong ko kay Kelly. Kinuha niya agad ang kaniyang tablet at pagkatapos ay nagbrowse siya sa kaniyang notes. Nakatitig lang ako sa kaniya at naghihintay ng sasabihin niya. Ipinatong ko ang siko ko sa arm rest at humalumbab

