Napatigil ako sa pag-aayos ng buhok ko noong narinig ko ang sinabi ni Kelly sa akin. “What did you say?” tanong ko sa kaniya bago ko siya nilingon. Ipinakita niya sa akin ang isang script at isang contract. Lumapit siya sa akin, kinuha ko agad ang ibinigay niya sa akin. “Binigyan ka ng bagong project kasama si Theo,” sagot niya sa akin. Noong binuklat ko ang isang contract ay nabasa ko agad kung para saan ito. Napatayo ako dahil sa gulat. “Ano!” “Kailangan ko pa bang ulitin?” naguguluhan na tanong sa akin ni Kelly. Binuklat ko ang contract at hindi ko na nagustuhan ang mga nabasa ko. Tumingin ako kay Kelly. Ang aking masayang umaga ay bigla na lang naglaho! Hindi na maganda ang mood ko! “Ayoko! Bakit ba naman ipapartner na naman ako sa kaniya? Ang daming artistang lalaki sa station na

