Inayos ng assistant ang laylayan ng aking gown. Bahagya naman akong umikot sa harap ng salamin upang makita ang design ng bawat gilid nito. Malawak akong napangiti nang makita ang kaperpektuhan ng aking mukha. Bagay na bagay sa akin ang gown. Wala e! Ganito talaga ang magaganda. Masayang hinaplos ko ang design sa may baywang ko. Mas lalong naging sexy ang aking katawan dahil sa magandang tabas ng gown. I feel like I’m a beauty queen. Nasa akin na talaga ang lahat. I’m gorgeous, I’m sexy and tall. Well, let’s just forget the ugali. Pansin ko na inayos ng assistant ang aking buhok. Inilugay niya ito at nilagyan ng clip sa gilid ng hair ko. Ngumiti ako nang malawak habang nakatingin sa salamin. Perfect! I’m so ready na para sa anniversary celebration ko! Beauty sleep na lang ang kulang

