Episode 2

1309 Words
Malayo pa lang ako..nakikita ko na ang ngiti sa mukha ni Kuya Nate.. Sasabay na ako sa kanya pauwi dahil nasa Service Center ang kotse ko.. "Kuya nabigay mo na ba Kay Zack ang invitation?" "Ummhh..ummmhh.." "Ano pupunta ba siya Kuya?" Excited kong tanong.. "No" "What? Why?" Lumungkot ang boses ko..walang gana kong ikinabit ang seatbelt ko.. "Hey!Cheer up Sid..He's coming Ok..niloloko lang kita" At ginulo niya ang buhok ko.. Hinampas ko siya ng dala kong libro..Mabilis niyang iniharang mga braso niya..at Tumawa ng Mahina.. Kuya Nate is best Kuya in the world.. Spoiled ako sa lahat ng bagay sa kanya. Limang taon ang pagitan naming dalawa.. Simula pa lang ng mga bata Kami at magkaisip ako siya na ang tagapagtanggol ko.. Masyado siyang protective sa akin..kaya Di tumatanda isip ko dahil Parang bata parin ang turing niya Sa akin.. "Thanks Kuya.." yumakap ako braso niya pero binaklas niya pagkakayakap ko at tinampal ang noo ko.. "Sid..this is the last please listen to me..stop chasing Zack..May GF na siya..at malabong maging kayo..Sid isa kang Alegre kaya bigyan mo naman konting pride ang sarili mo" Di ako nakaimik..alam ko naman na totoo sinasasabi ni Kuya Nate..pero i cant help it.. Simula ng makita ko that day na kasama ni Kuya si Zackary Andrada Sa bahay namin..I fell inlove with him Instantly. From that day.. I made a pledged on myself He'll become my husband in a near future.. "But Kuya, I really like Zack " Malungkot kong sagot bat di nila maintindihan yun? Masama bang magmahal? "Kuya Nate girlfriend pa lang naman niya ang Ariana na yun..Hindi pa asawa ah" Pagmamaktol ko..kahit alam kong may punto si Kuya pero ayaw lang tanggapin ng puso at isip ko ang reality.. Inihinto nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada at ilang ulit bumuntong hininga.. Hinarap niya ako.. Kuya looked so serious this time.. lagi naman eh.. At saksakan pa ng suplado.. "Sidney Kate..try to understand me ok? Zack doesn't like you..He loved someone else and it's not you Para din naman ito sayo..para sa ikakabuti mo" "What are you saying Kuya?" For the first time ngayon ko lang narinig si Kuya na nagsalita against sa kabaliwan ko kay Zack.akala ko noon suportado niya ang kahibangan ko sa kaibigan niya.. "Zack is leaving in the Country.. 3 months from now to study abroad..at susunod sa kanya si Ariana after one year.." Di ako makapagsalita... Pakiramdam ko para akong binagsakan ng langit sa sinabi ni kuya Nate.. Parang biglang nanikip ang dibdib ko sa revelation niya about Zack's plan.. Parang di ako makahinga pero sinisikap kong paglabanan yun dahil nasa harapan ko si kuya.. "Sid ok ka lang? Tell me may masakit ba sayo?" Nakikita ko ang panic sa mukha niya siguro nahalata niya yun sa expression ng mukha ko na may iniinda akong sakit.. Matamis akong ngumiti sa kanya kahit nahihirapan na akong huminga. I need to cover up everything Ang sakit ang lungkot at wag magpahalata..ayaw kong malaman nila ang totoo kung kalagayan.. "But of course Kuya. nabigla lang ako sa sinabi mo" kahit hirap akong magsalita pinilit ko pading bigyan ng buhay at saya ang bawat salitang lumalabas sa mga bibig ko.. Para convincing.. Ako na yata ang pinaka magaling na artista na di pa nadidiskubre.. "Dont worry Kuya susubukan kong sundin ang advice mo.." Ginulo niyang muli ang buhok ko at inistart uli ang engine..ngumiti ako ng matamis at kinagat ang balikat niya..tinampal niya ang noo ko.. "Kuya pwde pakidrop na lang muna ako Sa Greenbelt..May bibilhin lang ako.." "Sasamahan na kita" Anunsyo nito..pero mabilis akong umiling at tumanggi.. "Huwag na..nandun din si Crystal magkikita kami doon at siya na ang bahalang maghatid sa akin pag uwi.." Tanggi ko at humalik sa pisngi niya..kinurot ko ang pisngi nya ng may pangigigil ang gwapo talaga ni Kuya..tambak nga ang Fans niya sa UAAP "Ok.." he snorted at ginulo ang buhok ko.. I lied to him..the truth is makikipagkita ako sa doctor na nagmomonitor Sa kalagayan ko.. Nine months ago ng makaramdam ako ng parating paninikip ng dibdib.. Inilihim ko sa mga magulang ko at sa lahat ng taong nakapaligid sa akin ang kalagayan ko.. Ayaw kong kaawaan nila ako at mag aalala sila sa akin.. Sabi ng Doctor..50 % ang chance na humaba pa ang buhay ko.. Dipende sa magiging resulta ng Operation.. Heart Tranplant ang pinaka maiging procedure para madugtungan ang buhay ko.. Mayroon akong Heart Failure.. Noong una nahirapan akong tanggapin ang kalagayan ko..di ko alam kong sasabihin ko o ililihim na lang sa mga magulang ko ang natuklasan ko.. Pero sa huli..pinili kong ilihim na lang at sinikap kong mabuhay ng Normal..tulad ng karamihan.. Ingat na Ingat na akong matuklasan nina Mommy at Daddy ang lahat ..lalo na si Kuya.. Life must go on.. Kaya lahat ng bagay na alam kong makakapagligaya sa akin ginagawa ko.. Di ko alam baka bukas o sa makalawa mawawala na ako..ayaw Kong pagsisihan ang mga bagay bagay sa bandang huli... "Hey! lalim ng iniisip natin ah?" "Excited lang ako sa Birthday Party ko Kuya" "Hmmm..Ano bang pinakagusto mong regalo sa birthday mo Sid?" "Uhmmm..Ok na Sa akin ang big party na inihanda ninyo nina Mommy at Daddy sa akin..siguro Kong magtatapat ng kanyang dakilang pagmamahal sa akin si Mr.Andrada baka yun ang pinakamagandang regalong matatanggap ko...Pero alam Kong malabong mangyari yun Kuya.." Malungkot kong sabi..tumingin sa akin si kuya at hinawakan ang kamag ko.. "I'm so sorry..Sid..pero tama ka..kung pwede ko nga lang sapakin si Zackary para maalog ang utak niya at puso niya para sayo malipat feelings niya ginawa ko na..kaso alam Kong imposible yun" Natawa ako sa sinabi ni Kuya Nate.. Kahit naman yata tamaan ng bomba si Zack at magkapira piraso hindi niya ako mamahalalin..may Ariana na siya.. Di ko namalayang nasa harapan na pala jami ng Greenbelt.. "Kuya Just stop here..dito na ako Bababa..nasa loob na si Crystal.." Kunwaring abala ako kakatext kay Crystal kanina..pero ang tototo hindi..nagpapanggap lang ako sa harapan ni kuya.. "Take Care Sid..Huwag magpagabi..alam mo naman si Mommy diba?" Ngumiti lang ako sa kanya at bumaba na.. Nagmamadali akong pumasok sa Intrance ng Greenbelt.. Titingin tingin muna ako sa mga items na nasa loob..pag sigurado na akong Wala na si Kuya Nate..saka uli ako sasakay ng Taxi para pumunta sa Private Clinic ni Doctor Tan.. Kailangan kong malaman ang Kondisyon ng puso ko.. Sana naman di pa ganon kalala.. Natatakot akong mag pa opera..baka Di ako makasurvive..at papano ko gagawin yun ng di nalalaman nina mommy at daddy.. Ayon Kay Doctor Tan..mas malaki ang chance ko pag sa America isasagawa ang operation.. Kung makakakuha ako ng Heart Donator.. Huminga ako ng malalim habang iniikot ikot ang grocery section ng Greenbelt.. Baka kasi nandyan pa si Kuya at Bigla akong sundan pag sumakay ako uli ng Taxi.. Busy ako sa kakalalikot ng iPhone ko ng marinig ko ang Familiar na boses Sa kabilang section.. dahan dahan akong pumunta sa Dulo at sinilip ko kong Tama ang hinala ko.. Si Zack nga..kasama si Ariana at mukhang nag eenjoy silang dalawa Sa pamimili.. Itinutulak ni Ariana ang Cart habang nakayakap si Zack Sa likod niya.. Punong puno ng grocery ang cart nila..nakaramdam ako ng inggit kay Ariana.. Zack is such a Sweet guy... How I wish na ako yung nasa kalagayan niya ngayon..ako na siguro ang pinakamasayang nilalang sa balat ng lupa.. Nagmamadali akong tumalikod.. Ipinasya kong lumabas na lang kesa lalo akong masaktan at isa pa heto na naman ang pamilyar na sakit sa dibdib ko..biglang kinakapos ako ng hininga Shit! Mabilis akong pumara ng Taxi... I really need to see Dr.Tan..alam kong di maganda ang kalagayan ko..nararamdaman ko yun dahil napapadalas ang paninikip ng dibdib ko.. Nagbabanta ng bumagsak ang luha ko sa mga Mata ko. But I won't Cry.. I need to be brave.. For Mom For Dad. For Kuya Nate. and For Zack....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD