"Mitch" I believe he knew something when he uttered that name. Hindi ko alam kung anong una kong sasabihin dahil ito ang unang pagkikita namin ng personal. Pero nakilala niya ako. "Hi" tipid na bati ko dahil wala akong masabi yun lang ang nasabi ko. Naiilang man sa mga tingin ngumiti lang ako. Ito na ang pagkakataon kong magtanong kung siya rin ba ang nasa panaginip ko. "Ahmmm...Logan." "I missed you... huwag mo akong iiwan, ulit." Bakit ba nakakagulat ang lalaking ito? Parang mas malala ata siya kumpara nung nagising ako. Mabuti na lang kaming dalawa nandito. Umalis si Yohan para tawagin ang doktor. "Naalala mo ba yung nangyari sayo?" Napakunot naman ito sa sinabi ko mukhang hindi niya rin inaasahan yun. Hinihintay ko naman ito sa sagot niya pero bigla na lang itong napahawak sa ulo ni

