CHAPTER 11

1468 Words
Napaaga ang uwian namin kaya naman nagmamadali akong lumabas para pumunta sa university nina Logan. Yung mga kaibigan ko naman hayun may klase pa sila hindi kami magkakaklase sa halos lahat nang subject dahil iba ang course rin nila at dahil late akong nag-enroll kaya nag cross enroll ako sa ibang department at doon ko sila nakilala dahil loner akong tao parati akong sa likod umuupo, dahil wala naman akong kilala sa department na yun at sila parati silang late kaya naman sa likod sila napapaupo para hindi distraction sa prof. habang nagtuturo. Wala namang paki alam yung ibang prof. kapag late ka minsan, pero buti na lang at hindi terror kung hindi see you next sem ulit. Silang tatlo lang talaga ang magkakaibigan na dawit lang ako. Saka nagpapasalamat ako sakanila dati dahil sa kabila nang mga dinanas ko hindi nila ako iniwan at kahit nagbubuntis ako nun hindi nila ako kinakahiya minsan pa nga sila yung nagtatangol saakin. Sa mga mapangmata at mapanghusga nila mga gawa. Kaya kahit ganun yang mga yan, mahal na mahal ko sila pero hindi ko sasabihin dahil kung anu-ano nanaman ang iisipin nila at matutukso na naman ako. Doon mo talaga makikita kung sino ang totoong kaibigan. Kahit sa kabila ng lahat nang napagdaanan mo hindi ka nila iiwan. Pamilyar na ako sa university nila Logan kaya hindi na ako nahirapang hanapin pa ang gym nila, ito lang naman ang alam kong puntahan dito. Nasa may pinto palang ako pero rinig ko nang may naglalaro sa loob alam kong sila lang yun dahil sila lang naman ang allowed na gumamit nun. Pagkapasok hindi ko inaasahang may mga nanunuod rin nang practice nila, siguro yung iba ay nagpapalipas oras lang. Hindi naman ako nahirapang makita ang mga anak ko dahil nasa bleachers sila. Hindi sila nanunuod mukhang may pinagkakaabalahan silang dalawa. Lumapit naman ako sakanila at mukhang hindi pa nila naramdaman ang presence ko dahil nakatutok sila sa ginagawa nila. Nakita kong may drinadrawing sila. "Mukhang maganda yan ah." Pukaw ko naman sakanila kaya napatingin sila saakin. Tumili pa si Psyche nang makita ako kaya napatigil tuloy yung mga players sa paglalaro at napatingin sa gawi namin. "Psyche wag ganun. Nakadistract ka tuloy nang naglalaro." Nakita ko namang palapit si Logan kaya hinanda ko na yung mga gamit para umalis. Magpapaalam na kami sakanya. Baka hindi siya makapagfocus sa practice nila dahil may iniintindi pa siya. "Aalis na kami. Salamat sa pag-aalalaga sakanila. Bukas na lang tayo magkita." Kinuha ko naman ang mga gamit nila Psyche at Eros. "Ihahatid ko na kayo." Pag-alok nito. Pero umiling lang ako. "Hindi na, mukhang busy kayo masyado. Bukas na lang uli." "Sigurado ka?" "Oo.. Salamat ulit." Kinuha ko naman ang mga gamit nila sa upuan kaso bigla nitong hinablot at binuhat si Psyche saka naglakad na paalis. Napatunganga lang ako doon, kung hindi ako sinabihan ni Eros na aalis na kami. Napatigil naman ako ng bigla nitong buksan ang kotse niya at inilagay sa likod ang mga gamit nila Eros. "Ano pang hinihintay mo sakay na. Gusto mo bang maiwan?" Nakakunot na sabi nito. "Ahm.. Ano kasi paano yung practice ninyo? Baka hanapin ka nila." Nag-aalalang sabi ko. "They won't.. and besides I'm the captain." walang pakialam na sambit nito. Wala na akong nagawa pa dahil sinabi niya na mismo. Pero ... "Paano yung kotse ko?" "Ipapahatid ko na." "Eh, pero..." hindi na ako nito pinatapos at hinila ako papuntang passenger. "Ang dami mong rason." Tahimik lang ang biyahe namin hangang sa makauwi kami sa apartment ko. Tulog na ang dalawang bata kaya binuhat ko na si Psyche at binuhat naman ni Logan, si Eros. Hindi ko alam pero maraming pumasok sa isipan ko na kung anong pwedeng mangyari sa hinaharap. What if.. magkaroon na kami ng kanya-kanyang buhay ni Logan paano ang mga bata. Okay lang kaya sakanila ang broken family. Pero iniisip ko palang nasasaktan na ako para sakanila. Paano kung mahanap na ni Logan yung magmamahal sakanya? Iiwan niya na kaya kami. "What are you thinking?" Nagtatakang sabi nito. "Wala naman. Medyo inaantok na rin ako. Bukas na lang uli tayo magkita." Tamad na sabi ko. "Favor ko lang, wag mo na uli kaming ihahatid alam kong nakaabala kami sayo." "I need to make sure that you are truly safe to return home." "Pwede ka naman naming tawagan kung nakauwi na kami." "But.." "Basta.. tapos ang usapan." Saka kapag napapalapit ako sayo iba ang nararamdaman ko. Hindi ko matukoy kung ano. Medyo hindi rin ako kumportable. "Gusto mo bang kumain muna bago bumalik sainyo?" "Salamat sa pag-alok, pero aalis na ako." Walang ganang sabi nito. "Galit ka ba?" "Hindi... pagod lang siguro.. tama ka, dapat hindi ko na kayo ihatid." Wala sa mood na sabi nito "Gusto mo bang magpahinga muna bago umalis?" "Sa condo na ako magpapahinga. Ipapahatid ko na lang dito yung kotse mo." Walang sabing umalis na ito. Napabuntong hininga naman ako. Ito na nga ba yung sinasabi ko, mukhang hindi nito nainitindihan kong anong gusto kong sabahin sa kanya. Hayss! "Mommy." Mahinang sabi ni Psyche. Mukhang nagising ito dahil sa pag-uusap namin ni Logan kanina. "Nagugutom ka ba?" umiling naman ito bago magsalita uli. "Mommy promise niyo saamin hindi na kayo mag-aaway ni Daddy?" inosenteng sabi nito. "Hindi kami nag-away nang daddy mo. May hindi lang pagkakaintindihan, pero magbabati rin kami. Promise ko yun." Tumango naman ito. "Promise niyo rin po saakin mommy, kayo ni Daddy pa rin hangang sa huli ah." Tinignan ko naman ang maamo at inosente nitong mukha. Para bang umaasa ito na kami talaga hangang sa huli. "Psyche..enough." bigla namang nagsalita si Eros sa tabi nito. Hindi ko napansing nagising na rin ito. Nakita ko namang sumimangot lang si Psyche sa sinabi ng kuya niya. Kung titignan masyadong matanda kong mag-isip si Eros para bang alam nito ang nangyayari sa paligid niya. "Ikaw talaga, ang bata mo pa para mag-isip ng ganyan." Pinisil ko naman ang pisngi nito kaya lalo itong sumimangot. "Pero.." "Mommy gutom na po ako." Biglang sabi ni Eros at tinignan ng masama ang kapatid nito kaya nailing ako sakanila. Ang cute kasi nilang tignan. Para bang may sekreto silang ayaw nilang sabihin. ************************ Psyche Nakasimangot ako habang nakatingin kay Eros. Naiinis ako dahil parang ang tagal bago nila marealize na may nararamdaman sila sa isa't isa. Palapit ng palapit ang araw na mawawala na kami pero para bang wala pa ring nangyayari. Gusto ko nang matapos itong misyon na ito. "Be careful with your words, Psyche." Seryosong sabi nito. "Bakit ba? Wala naman akong sinasabi. Gusto ko lang tumulong." Depensa ko "No, you're not helping; you're just putting pressure on them... Ang gusto mong mangyari sakanila ay pilitin nila ang sarili nilang magustuhan ang isa't isa. hayaan mong sila ang makarealize nang nararamdaman nila, nalilito pa sila sa ngayon pero darating rin tayo diyan." "Paano kung magising na siya nang hindi nila narerealized na may gusto na sila sa isa't isa." Nag-aalalang sabi ko. Ayokong mawala lahat ng pinaghirapan namin. Sayang naman kung ganun. "Wala na tayong magagawa pa roon. Pagtatagpuin lang natin sila yung lang ang misyon natin hindi na natin kailangang makialam sakanila." "Pero akala ko ba sila ang itinadhanang dalawa? Di dapat sabihin na lang natin para hindi na tayo nahihirapan dito." "Kung sasabihin natin. Unang-una sinong maniniwala saating dalawa kung nagkatawang bata tayo, pangalawa walang trill ang magiging pagtatagpo nila dahil alam na nilang magiging sila. Pangatlo lalabag tayo at pwedeng maparusahan." Napabuntong hininga na lang ako sabagay may point siya. "May hindi ka ba nasasabi saakin?" nakita ko kasing malalim ang iniisip niya. "Isang linggo na lang, magigising na siya." Seryosong sabi nito kaya napalaki ang mata ko sa sinabi niya. "Hala,, paano yan kailangan na nating magmadali?" "Hindi na kailangan.. Tapos na ang misyon nating pagtapuin sila. Kailangang sila na ang gumawa ng paraan para sa nararamdaman nila." "wala ka nang ibang gagawin Psyche naiintindihan mo. Hihintayin lang nating magising silang dalawa at makakaalis na tayo rito." "Pwede bang kahit kunting tulong na lang." "Ikaw ang bahala.. Wag mo lang ilalagay sa panganib pati ang buhay mo." Tumango naman ako at niyakap siya "Mukhang magkasundo na kayong dalawa. Bakit hindi pa rin kayo natutulog?" Biglang sabi ni Missy. Hindi namin namalayang nandito na pala siya. "Wala po mommy masaya lang po ako dahil sa araw na ito." Nakangiting sabi ko. Tinitigan ko lang si Missy at nasabi ko sa sarili ko na gagawa ako ng paraan para magkatuluyan silang dalawa. Hindi ko pwedeng sabihin kay Eros ang plano ko baka magalit siya saakin pero palihim ko itong gagawin ng hindi niya nalalaman. "Matulog na kayo, maaga pa kayong papasok bukas." Hinagkanan naman namin siyang pareho bago humiga sa kama. Bukaskailangan ko ng kumilos ************* Keep reading <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD