Narinig kong nagriring ang cellphone ko, kaya sinagot kung sinong caller ito. It's Zoey. Ano naman kayang kailangan ng babaeng ito?
"Hello Zoey, napatawag ka. May kailangan ka?"
"Graveh, kailangan agad-agad. Di ba pwedeng nangangamusta lang, matagal ka ng hindi nagpaparamdam sa saamin tapos ganyan ang ibubungad mo saakin. It really hurt, you know." Pagdradrama nito. Napairap naman ako kahit hindi niya nakikita. Sabagay, I missed her too. Ikaw ba namang makasama dalawang bakla at isang mukhang bakla. Kidding aside, lang yun baka malaman ni Zoey ang iniisip ko sabunutan ako nun.
"Punta ka dito sa cafeteria. hihintayin ka namin dito bilis. Libre ni baklang Gabriel." Sabi nito at tumawa pa. Narinig ko naman sa kabilang linya si Gabby na excuse me it's gabriella. Maareteng pagkocorrect nito, natawa naman ako sakanila miss ko na tuloy talaga sila.
"Sige after ng class ko na lang. Bye!" Tinignan ko naman ang relo ko kung anong oras na, 2pm. For sure, nakauwi na galing school si Psyche kasama si Martha ang nag-aalaga sakanya. Nang makita ko sila sa may cafeteria agad naman nila akong sinalubong ng nayakap atang tawag doon pero kasi parang sinasasakal na kasi nila hindi naman nila ako namiss masyado noh.
" Ahhh! Bakla namiss ka namin Itiisss."- matinis na sabi ni Gabby halatang bakla talaga. Umupo naman ako sa tabi ni Jason pero sa Gabi, Jassy daw ewan ko sa mga yan.
"Oh, kala ko ba maglilibre kayo? Gabby bilisan mo nagugutom na ako." Tingin ko sakanya. Tinaasan naman ako ng kilay nito.
"May pinatago kang kayamanan mo saakin? Itong si Medusa ang sabihan mo, siyang nagyaya sayo dito." - pagtataray nito. Natawa naman ako ng sinabunutan ni Zoey ang buhok niya. "Aw, aw, my hair. Idedemanda kita for physical harassment." Maarteng sabi nito.
"Hoy! Bakla ka. Wala ng pwedeng idemanda sayo mukha ka na talagang naharass.hahahaha. " Sabi naman ni Jassy at nag-appear pa sila ni Zoey. Napagtulungan tuloy.
"Missy, tulungan mo ako. Pinagtutulungan na nila ako oh" sumbong nito tumawa naman ako.
"Libre mo muna ako bilis."
"Che!! hindi ka tunay na kaibigan. Umalis ka na." Pagtatampo nito. Tumayo naman ito akala mo magwowalk out pero ang totoo bibili yan ng pagkain. Ganyan kaming magmahalan sa isa't isa.
"So, kamusta naman ang hot weekend mo? May namumuong relasyon na ba?" - biglang interesadong sabi ni Jassy. Tinignan ko naman siya na naluluko na ba.
"Ano bang pinagsasabi mo? Syempre wala noh!." Nagtatakang sabi nito.
"Ano ba naman bakla, ang weak mo. Dapat ginapang mo ulit. Malay mo magkaroon nanaman kayo ng kambal na dalawa." - segunda rin ni Zoey. Inirapan ko naman sila. Kung ano-anung pinagsasabi. Napaka non-sense naman.
"Ang pinupunta ko doon yung bata hindi yung ama. Get's!" At inirapan sila. Buti na lang dumating na si Gabby at ibinigay nito ang lunch ko. Hindi pa rin kumukupas alam na alam ang favorite ko. Kumain naman na ako at hindi na sila pinansin sa pinagkwekwentuhan nila.
Nagmamaneho ako ng biglang nagring ang phone ko. Tinabi ko naman ang kotse sa gilid para sagutin ang tumatawag.
"Hello, Logan." Hinihintay ko naman siyang magsalita sa kabilang linya.
"Hi, Ahm Missy.. Iniwan ko si Eros sa apartment mo. May tournament kasi kami ng isang linggo sa Cebu. Pinauwi ko muna yung nanny niya dahil may sakit raw yung tatay niya. Kaya ikaw mo ng bahala kay Eros. Kukunin ko na lang siya pagkarating ko." Sabi nito.
"Okay sige. Ako ng bahala. Yun lang ba?" Bakit may hinihintay ka pang sasabihin niya sita ng isip ko.
"Wala na.. sige thanks. Take care."
"Sige. Ikaw rin. Bye!" Pinapakiramdaman ko naman kung papatayin niya na. pero naririnig ko pa ang paghinga niya sa kabilang linya. Kaya ako na mismo ang nagpatay. Napailing na lang ako sa sarili ko. Ano ba itong nararamdaman ko?
.....
(HIS POV)
"Oh. Captain. Mukhang nagkakasundo na kayo ni Michella ha. Improvement yan." Tukso ni Jacob saakin. Katatapos ko lang tawagan si Missy at heto sila sa pagiging tsismoso. Hindi ko alam hinintay ko talaga siya ang unang magbaba ng phone.
Hangang ngayon hindi pa rin malinaw saakin ang nangyayari. Pero inuunti-unti ko na ring tinatanggap, nasasanay na nga rin ako.
Sa tingin ko habang tumatagal na magkasama kami nagugustuhan ko na rin siya.
........
A week later
Katatapos ko lang patulugin ang mga bata, it's already 10pm. Nang makita ko naman mahimbing na silang natutulog saka ako lumabas ng kwarto nila. Nagtimpla muna ako ng gatas para makatulog na rin ako.
"Ate, mauna ho na akong matutulog saainyo." Sabi ni Martha.
"Sige. Mauna ka nang matulog ako nang bahala dito. Maaga ka pang aalis bukas hindi ba?"
"Oho, sige po good night ateng." Pumunta naman ito sa kwarto niya, kaya pumunta ako sa sala para manuod muna saglit, pampaantok lang din. Napakunot naman ang noo ko ng marinig kong may nagdodoorbell. Hindi ko na sana ito papansinin ng tumunog uli ito. Wala naman akong inaasahang bisita sa gabing ito. Nagbathrub naman ako dahil nakapangtulog na ako at wala na akong b*a. Sino naman kaya ang bwisitang mabubulabog ng ganitong oras? Paano kung masamang tao pala? Kinuha ko naman ang walis tambo na nakita ko baka kung sakali man talaga na masamang tao nga iyon ipupukpok ko ito sakanya.
"Wait lang. Ito na bubuksan na." Sabi ko dahil may balak pa atang gisingin ang mga natutulog na mga tao dito sa bahay. Binuksan ko naman ang gate at nakita doon isang lalaki na nakatayo, nakajersy pa ito halatang kararating lang nito. Napakunot naman ang noo ko. Bakit gabing-gabi na dito pa siya dumeresto?
"Hi!" Bati nito. At ngumiti ng bahagya.
"Gabing-gabi na ba't hindi mo na lang ipagpabukas ang pagpunta dito?" Seryosong sabi ko sakanya.
"Sorry. Hindi na ako tumawag sayo. mas malapit ang apartment mo sa Unit ko. Kaya dumeretsyo na ako dito. Pwede bang pumasok?" Tumango naman ako at pinagbuksan ito ng maluwag. Dala naman nito ang mga gamit niya at halatang pagod na rin base sa galaw at mukha nito.
"Kumain ka na?" Tanong ko sakanya ng makapasok na kami sa loob. Umiling naman ito kaya napabuntong hininga lang ako.
"Ibaba mo muna iyang gamit mo diyan. Tapos sumunod ka saakin sa dining area." - nagtungo naman ako sa ref. At kinuha yung natirang ulam namin kanina. Pinainit ko naman ito, nakita ko naman siyang kumuha ng plato niya.
"Pasensya ka na . Ito lang ang natirang ulam namin kanina." Sabi ko sakanya at hinain ko ang adobo na ulam namin kanina.
"Ayos lang." Hinayaan ko naman na siyang kumain at umalis na ako upang manuod ulit.
"Makikigamit ako ng cr niyo. Nasaan ang cr mo?" Tinuro ko naman sakanya. Kumuha siya ng damit at towel niya. Maya-maya pa'y lumabas na ito halatang nagshower ito. Naka pajama naman ito at itim na sando. Tumabi naman ito sa sofa na inuupuhan ko. Medyo malayo ang pagitan naming dalawa. Nakatingin lang siya sa pinapanuod ko habang pinupunasan ang basang buhok nito.
"Mahilig ka pala sa mga ganyan." Hindi ko naman siya kinibo dahil wala naman akong sasabihin sa kanya. Sa totoo lang hindi naman ako mahilig sa manuod ng movie at kahit ano naman pinapanuod ko maparomance or horror wag lang gore movies. Isang american horror movie kasi ang napagtripan kong panuorin ngayon.
"Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong nito. Halatang inaantok na ito dahil pabagsak na ang mata niya. Umiling naman ako dahil hindi pa talaga ako nakakatulog.
"Saan ako pwedeng matulog?" Sabi nito at nahikab na kaya tinuro ko naman sakanya yung pwede niyang tulugan. Tumango naman siya at kinuha ang mga gamit niya. Hindi ko na pinansin ang ginagawa niya. Dahil busy ako sa panunuod at malapit na ring matapos ang movie. Ngayong ko lang ito napanuod na movie pero sabi ni Zoey ay matagal ng narelease ito. Isa sa gusto kong part ng isang horror movie ay kung ano ang history kung bakit sila naghihigante yung mga villaine. Wala lang nacurious rin ako bakit nga ba ?anong dahilan nila sa paghihigante nila? Tapos kapag nalaman mo mapapasabi ka na lang ah kaya pala ginawa niya yun dahil ganito ang ginawa sakanya dati mga ganun ba.
Pinatay ko naman na yung tv ng matapos yung pinapanuod ko pero bigla akong may naalala kanina. Fox! Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko at tama nga ako nakita ko dun si Logan na mahimbing na natutulog sa kama ko at yakap pa nito ang unan ko. Ang tanga mo talaga Missy, Saan ka ngayon matutulog nito. Pumunta ako sa kwarto ni Psyche at naalalang katabi niya pala ang kapatid niya. Kay Martha naman pang-isahan naman yung kama niya kaya baka hindi kami magkasya, no choice. Sa kama ko talaga. Nagkatabi na rin naman kayo dati ah? Meron na rin kayong dalawang anak ano pang kinabeberhen mo diyan ?Sabi ng isip ko umiling naman ako at huminga ng malalim tama wala lang to.
Nagpalit naman uli ako ng pantulog ko dahil satin dress ang suot ko kanina at pinalitan ko na ito ng t-shirt at pajama hindi ako sanay na may katabing lalaki at ganito pa ang pantulog ko. Pumesto naman ako sa pinakaedge ng kama ko at ipinikit ang mata ko. Kumalma ka kasalanan mo rin kasi ito.
Paggising ko nakayakap na ako sa malambot na unan kaya binuksan ko ang mata ko at nilibot ang paningin. Wala na akong kasama. Uy nanghihinayang. Sabi ng kabilang bahagi ng utak ko. Inayos ko naman ang pinaghigaan at lumabas. Nadatnan ko naman silang nanunuod ng tv. Tinignan ko naman kung meron ng pagkain at nagulat ako ng walang kahit na anong makakain. Tinignan ko naman ang oras mag 9am na.
"Kumain na ba kayo?" Tanong ko.
"Hindi pa po mommy, we're so hungry na. Daddy said kasi na wag daw kayong disturbin kaya hinintay namin kayong gumising po." Nakapout na sabi ni Psyche.
"What! Dapat ginising niyo na lang ako keysa magutom kayo." Pumunta naman ako sa ref. At kumaha dun ng madaling maluto. Buti na lang may kanin na natira kagabi kaya fried rice ang ginawa ko. Hindi na rin siguro nakaluto si Martha dahil alam kong maaga yun umalis.
"Psyche. Dahan-dahan lang sa pagkain hindi ka mauubusan." Sita ko sa kanya. Grabe kasi ang takaw. Madungis na rin ito dahil sa ketchup na nakakalat sa pisngi niya. Wala naman akong makitang tissue sa tabi ko kaya damit ko na lang ang ginamit ko. Hindi ko namalayang nakatitig pala saakin si Logan. Kaya ako na mismo ang umiwas.
"Mommy pag katapos po ba nating kumain.. magshoshopping tayo?" Nga pala hanggang ngayon hindi pa rin matuloy yung shopping naming dalawa.
"Oo.. kaya tapusin mo na yan."
"Mommy sama rin sila Eros at Daddy ha." Pahabol nito. Tumingin naman ako kay Logan.
"Ask your dad, kung gusto nila." Pumayag naman ito kaya masayang- masaya si Psyche. Hindi ko alam pero nakaramdam rin ako ng excite ng pumayag sila. Ano kayang mangyayari sa family date namin? Family date nga ba?
****************
To be continued...
Happy Reading <3