Pagpatak nang alas kwatro inayos ko na ang mga gamit ko, nagtataka pa ang mga kaibigan ko kung bakit nagmamadali ako pero sinabi kong may pupuntahan ako ngayon. Partly, totoo naman yun pero ngayon i-sesettle na namin lahat, kagabi hindi ako makapag-isip nang maayos kung anong dapat gawin. Kaninang umaga may mga ideas na pumasok saakin kung paano masosolve itong problemang ito.
Nakarating ako sa isang Tea shop, dito ko naiisipang mag-usap kami dahil kapag sa apartment ko pa malamang nandoon na ang mga bata at hindi rin kami makakapag-usap nang maayos dahil sa kulit nila. Ilang minuto ang hinintay ko bago ito nakarating, mukhang kagagaling naman nito sa practice nila dahil pawis na pawis ito hindi naman siya yung lalaki amoy araw na mabaho. Dahil kahit pawis ito halatang mabango pa rin para bang cologne yung nilalabas nang mga pawis niya. Meron bang ganun?
"Gusto ko lang sabihin sanang...." Hindi na ako pinatapos nitong magsalita pa.
"Later. Mag-order muna tayo." Tinawag naman niya yung waiter "What do you want?" May binigay namang menu pero dahil halos parati na kami dito nang mga kaibigan ko kaya hindi ko na kailangan pa at kilala naman nila ako.
"Greg, yung dati pa rin." Tumango naman ito
"Ah, sige Missy. Isang Blueberry milktea, large at isang dark choco cake. Kayo sir?" sinulat naman nito yung order ko at tumingin kay Logan. Medyo nagulat pa si Logan dahil hindi siguro nito inaasahan na kilala ako dito pero hindi ko alam parang may part sakanyang naiinis ito kay Greg nang tinawag akong Missy o guni-guni ko lang yun?
"Ganun na rin sakanya." Seryosong sabi nito tumango naman si Greg at nagpaalam na. Sinabi naman nitong maghintay kami nang 10 mins. Para sa order namin.
"Ang gusto kong sabihin kanina..." hindi nanaman ako nito pinatapos na magsalita.
"Mukhang madalas ka dito sa shop na to." Out of nowhere na sabi niya.
"Oo, dito kami kadalasang tumatambay nang mga kaibigan ko lalo na kapag wala kaming klase minsan naman mag-isa lang ako dito." Walang ganang sabi ko.
"So close rin kayo nung waiter kanina." Napakunot naman ako sa sinabi nito. Dahil hindi ko alam parang may iba sa pananalita niya.
"Yes, naging close na rin namin siya at hindi siya server dito. Siya ang may-ari nang Tea Shop na to nagkataon lang na wala pa yung dalawang kasama niya." Nakakunot na sabi ko. Tumango naman ito.
"I was saying earlier... Hayss!!" kinuha ko naman yung panyo ko at pinunasan ang pawis sa noo niya. Mukhang nagulat ito sa ginawa ko pero wala itong sinabi. Seryoso lang siya nakatingin saakin at ganun rin ako. "Yan, marunong ka ngang magpunas ng pawis mo. Baka magkasakit ka niyan malakas pa naman ang aircon dito." Binato ko naman sa mukha niya yung panyo ko dahil hindi ko matiis yung pagkakatitig niya, naiilang ako.
"I'm sorry.. Alam kong hindi ko na maibabalik yung dati. Pero gusto kong itama yung mga pagkakamaling nagawa ko." Seryosong ani nito, hindi kaya may maalam na kaya ito sa nangyari?
"May..may naalala ka na sa nangyari?" kinakabahang sabi ko. Hindi ko alam pero bigla akong natakot.
"Kung tatanungin mo ako tungkol sa ginawa ko sayo honestly wala akong naalala. Dahil siguro sa epekto ng drugs saakin yun. Ang natatandaan ko na lang ay yung galit na galit ka saakin everytime na pupuntahan kita sainyo." Seryosong sabi niya. Mukha namang nagsasabi siya nang totoo. "Gusto kong panagutan yung ginawa ko." Walang bahid na biro sa sinabi niya pero bakit biglang bumilis yung t***k nang puso ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko parang nawala lahat nang pakay ko kung bakit ako makikipag-usap sakanya.
"Ayos lang saakin na panagutan mo yung mga bata, pero saakin na sila titira simula ngayon." Seryosong sabi ko hindi ko mabasa kung anong naiisip niya. "Pwedeng puntahan mo sila kung kailan mo gusto o magtxt ka na lang kung hindi ka man makakadalaw."
"Hindi yun ang gusto kong mangyari. Hindi ba pwedeng i-work rin natin yung relasyon natin hindi lang sa mga bata?Hindi rin magtatagal marami na rin silang malalaman. We can give it a try." Walang makikitang biro sa mga sinabi niya kaya hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kung para sa ikabubuti nang mga bata hindi na sana ako magdadalawang isip pa but his talking about us. Can I take the risk? Wala akong alam sa mga ganitong bagay, hindi ako pamilyar sa ganito. Pero wala naman sigurong mawawala kung susubukan ay meron pala nakataya na rito ang sarili ko, pero kung para sa mga bata sige.
"Sige pumapayag na ako, pero sa isang condisyon. Saakin pa rin mapupunta ang mga bata. Wag kang mag-alala pwede mo pa rin silang dalawin. Pwede nating gawing one step at a time. Hindi naman siguro natin kailangan magsama sa isa-isang bahay para lang mapakita natin sa mga bata na maayos ang lahat." Mukha naman siyang satisfied sa sinabi ko at tumango lang siya. Pagkatapos naming mag-usap hindi ko na alam kung anong sunod na sasabihin ko or gagawin ko. Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain. Ang ackward pala nang ganito.
"Ihahatid na kita pagkatapos mo diyan." Hindi ko namalayan na tapos na pala siyang kumain.
"Hindi, okay lang, uuwi na akong mag-isa mukhang hindi pa tapos ang practice niyo." Nasabi ko lang yun dahil nakakapanibago dahil maaga siya at mukhang nagpaalam lang ito para sumaglit na magkita kami.
"No, gusto ko ring makita ang mga bata." Ay ganun pala, Uy nag-expect! Sabi nang utak ko. Tumango na lang ako, pagkatapos namin pumunta na ako sa counter para ibigay ang bayad namin. Pero nang ibibigay ko na ang pera saka niya ako pinigilan.
"I'll pay" inabot naman nito ang pera niya sa casher. Sumakay naman na kami sa kotse nito, kahit sa biyahe hindi na kami nag-usap. Nakatingin lang ako sa labas habang binabaybay namin ang daan. Napapanis na ang laway ko, feeling ko ang tagal-tagal ko nang nakaupo rito kahit sampung minuto pa lang naman. Bigla naman akong napatingin nang may narinig ako tugtog sa radio niya at nakita ko nakatingin rin ito saakin.
"Sorry, but I'm not a very good entertainer." Sabi lang nito at ibinalik ang tingin sa daan.
"Okay, lang. Sa totoo lang rin hindi rin ako sanay. Lalo na kung may kausap akong opposite gender ko. I mean yah! may mga kaibigan akong bading pero parang feeling ko kagaya ko rin sila kaya panatag yung kalooban ko. " Pag-aamin ko.
"Can you tell me a little bit about yourself?" bilang sabi naman nito kaya napatingin ako sakanya nang wala sa oras. Tinitignan ko kung nabibiro ba siya. "Bakit? Para na rin makilala natin ang isa't –isa ..ayaw mo nun?"
"Parang first day of school lang ha! Tell me about yourself. Ganun!"natatawang turan ko rito.
"Baka introduced yourself yun."
"Ganun rin yun"
"So ano nga."
"Bakit ako lang? dapat pa rin ikaw."
"Yah, pero ikaw muna. Sabi nga nila ladies first." Walang ganang sabi nito. Napairap naman ako.
"Fine, ano bang gusto mong malaman?" tanong hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko kasi.
"Kahit ano. Likes? Dislike? Anything." Seryosong sabi nito habang nakatingin sa daan.
"Psh, Kung tatanungin mo kung sa pagkain hindi naman ako mapili basta ba edible."
"Copy! What else?"
"Ahmm,, mahilig rin akong magluto."
"Bakit hindi ka nag culinary?"takang tanong nito.
"You know, family choice. Gusto nilang ako ang mag handle ng business namin." Nakita ko naman itong tumango sa sinabi pero hindi na nagsalita pa.
"Ikaw, magsabi ka rin nang sayo."
"In my life, there is nothing intriguing." Simpleng sagot naman nito.
"Ano! Ang daya mo. Bakit interesting ba yung sinabi ko? Kaya magsabi ka na rin."sumimangot naman ako at hindi na ako nagsalita na halata naman niyang nagtatampo ako.
"May tanong ako." Sabi nito hindi niya inisip na nagtampo ako sakanya.
"Psh. Ewan ko sayo." Masungit na sabi ko. Tumingin naman ako sa labas at hindi na ito pinansin.
"Fine, pwede kang magtanong saakin pero may itatanong muna ako sayo."
"Hindi mo ako bubudulin?"
"Oo, Anong first impression mo saakin?" hindi naman ito nakatingin pero alam kong nakikinig ito.
"Anong gusto mong marinig yung totoo or yung pampalubag nang kalooban?" nakita ko naman siyang napakunot sa sinabi ko kaya gustong kong matawa pero pinigilan ko lang.
"Ano ba yan? Syempre yung totoo. Psh.."
"Okay, masasabi kong masungit, arogante ka,tahimik, mayabang, mahangin, makalat na lalaki lahat ata nang pangit na ugali nasa sayo. Yun ang totoo. pero first impression nga di ba." Napatawa naman siya sa sinabi ko. Ano namang nakakatawa doon nagsasabi lang nang totoo?
"Tsk.. bakit puro negative naman lahat nang sinabi mo. Yung iba nga sinabing gwapo ako, boyfriend material ect.. pero ikaw tsk negative ang impression talaga."
"Sabi mo, sabihin ko yung totoo kaya sinabi ko lang yung First impression ko sayo kaya nga First di ba unang kita pa lang naman pero mukhang nagiging tama yung mga sinabi ko nakikita ko na yung ugali mo at hindi ka pala tahimik dahil madaldal ka na." ang labo niya ring kausap eh noh.
"Psh.. oo na diyan. Eh ano yung pampalubag namang sinasabi mo."
"Ahm ...eh...Mabait, maalalahanin, Ano pa? you're trying your best to be a good father nakikita ko yung mga effort mo kahit papano.. Okay gwapo na rin."
"Psh.. labag pa sa kalooban niya yung sinabing gwapo ako. Aminin mo na kasi nagwapuhan ka saakin nung una baka nga pinagpapantasyahan mo pa ako."
"Oo na gwapo ka na. pero hindi kita pinagpapatasyahan manahimik ka. Baka nga ikaw diyan ang nagpapantasya saakin." Biro ko naman sakanya.
"Oo.. hindi ko itatangi yan. Lalaki rin ako."
"Grabe ka.. ang laswa mo." Pinagpapalo ko naman siya. Tawa lang nang tawa ito.
"Missy, tama na baka mabungo pa tayo sa pinaggagawa mo." sita naman nito kaya itinigil ko na at umayos nang upo. Nakita ko namang malapit na kami sa apartment ko. Hindi ko alam na ang tagal naming nagkwentuhan ni Logan medyo naging panatag na rin ako sakanya. Hindi ako masyadong naiilang. Sana, kung pwede lang ganito kami parati.
******************
To be continued...