CHAPTER 17

1663 Words
Nagmamadali akong ayusin ang mga gamit ko para makaalis na sa classroom. Kanina pa txt ng txt si Zoey kung nasaan ako dahil nasabi kong manunuod ako ng game ngayon. Tinignan ko naman ang orasan ko at nakitang 5:40 na late nagpadismiss ang prof. namin kaya may mga ilang kaklase na hindi natuwa dahil doon. Hindi ko alam kung makakaabot pa ba ako pero sabi naman nila na bilisan ko raw. Malayo pa ang lalakarin ko kaya hindi ako sure kung makakaabot talaga ako. Pagkabungad ko palang sa pinto ng gym marami na akong naririnig na nagsisigawan kanya-kanya ang mga pambato nila hindi nga lang malinaw kung sinong kalaban ng university namin. Nagreply naman ako kay Zoey na narito na ako tinanong ko ito kung saang banda sila nakaupo sinabi naman nito na sa pinakataas sila ng bleachers kaya humarap ako hindi naman na ako nahirapan dahil kumaway ito. Kaya lumapit naman na ako, nag-excuse naman ako sa mga alam kong mararaanan at masasagi ko. "Foul no. 1, Villanueva." "Hoy! Ang tagal mo buti at naka-abot ka pa." Bungad agad ni Zoey saakin. "Sorry yung prof. kasi namin late nagdimiss ayan tuloy." Hindi naman ako pinansin ni Zoey dahil nakatingin lang ito sa pinapanood nito. Kaya humarap na rin ako kahit wala naman akong alam sa ganya. "Hala, 3rd personal foul niya na yun. Sayang nilabas na siya." Bigla sabi naman ni Zoey hindi ko alam kung ano or sinong tinutukoy nito. "Ang gwapo pa rin niya kahit pinagpapawisan na siya. Oh! Papa Ian." Rinig ko namang sa bi ni Jassy. "Basta Loyal pa rin ako kay Zeus ko." Zoey. "Ahhh. Ipinasok na si Papa Travis ko." –Gabby Napakunot naman ang noo ko dahil familiar saakin ang mga binabangit nilang pangalan pero impossible. Finocus ko naman ang tingin ko sa mga naglalaro or should I sa kalaban ng university namin. "Oh my! Impossible." Nasabi ko na lang sa sarili ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso sa hindi ko malamang dahilan. Nakita ko ang mga familiar na mukha nila pero hinahanap ng mata ko ang gusto kong makita. "Bakla ka nagwapuhan ka rin sakanila? Basta wag mo aagawin si Travis saakin dahil masasabunutan kita."- Hindi ko naman pinansin ang sinabi ni Gabby. Nagstart naman na ang laro pero tutuk pa rin ako sa grupo nila. "Hoy bakla may kilala ka ba diyan?"- tanong ni Zoey saakin na katabi ko, Actually kilala ko silang lahat gusto kong sabihin pero baka kapag sinabi ko marami na naman silang itanong saakin. Alam kong hindi sila maniniwala na sa panaginip ko sila nakilala. kanina ko pa kasi sila pinagmamasdan pero hindi ko pa rin makita yung gusto makita. "Baka naghahanap nang mabibiktima niya. Ay, sinasabi ko sayo wag talaga si Papa Travis ko yung no.8 diyan.. Nakikita mo? Iba na lang pwede rin yung Captain nila pero inilabas siya kanina."- napatingin naman ako kay Gabby ng sinabi niya yun. "Saan siya pumunta?" tanong ko dito pero napakunot ang noo nilang tatlo dahil sa sinabi ko. "Ewan, baka pumunta sa may locker." Nagtataka man saakin pero sinagot pa rin nito ang tanong ko. "Why? May problema ba Missy?" Nakakahalatang sabi ni Zoey hindi ko na lang siya pinansin. Tumayo naman ako pero pinigilan ako ni Zoey. "Saan ka pupunta?" "Aalis ako saglit. May nakalimutan akong kunin." Pag-alibi ko mukhang matatapos na rin naman ang game at nangunguna ang University namin pero hindi ko alam kung bakit malakas ang kutob kong mananalo ang kabilang team. "Magkita tayo sa may parking lot mamaya." Sabi ni Zoey tumango naman ako pero may nakalimutan pala akong sabihin sakanila. "May nakalimutan pala akong sabihin. Mananalo ang Golden Eagle. Never pa silang natalo." Nakita ko namang napanganga ang mga ito kaya napangisi ako na umalis. Hindi sila makapaniwalang sinabi ko yun pero yun ang totoo. Pupuntahan ko ang Captain nila, medyo kinakabahan ako dahil maraming possibilities ang pwedeng mangyari. Kilala niya rin kaya niya ako? Paano kung hindi pala? anong gagawin ko? Sa tingin ko talaga totoo yung panaginip ko. Hinanap ko naman ang locker ng mga varsity hindi ako familiar sa locker ng varsity namin. Narinig ko namang nagbeep ang phone kaya tinignan ko ito nakita ko ang message ni Zoey na tapos na ang game at tama raw ang hula ko. Psh! Hindi yun hula. Paano ngayon ito natapos na hindi ko pa rin nakikita ang locker nila Logan. Marahas naman akong napabuntong hininga. Ito na sana ang chance ko para makita at makausap siya baka kasi may alam siya. Kung dati iniisip ko na panaginip lang ang mga yun pero ngayon malakas ang kutob ko na satingin ko hindi lang coincidence ang lahat ng ito. Nagring naman ang phone ko nakita kong si Zoey ang tumatawag kaya sinagot ko. "Nasaan ka na ba, Missy? Nasa parking na kami." "Sige, papunta na." Matamlay na sabi ko. "Nakita mo yung hinahanap mo?" "Hindi. Siguro saka ko na lang haharapin." Binababa ko naman ang tawag at nagtungo na sa parking mukhang namiss ko ang chance na makita siya. Ano kaya kung pumunta ako sa school nila? Tutal alam ko naman kung saan. Tama yun na lang gagawin ko. Habang naglalakad nireplyan ko si Zoey na papunta na ako. Dahil kanina pa ito txt ng txt masyado ring paranoid na isa. Dahil hindi ko tinitignan ang dinaraanan ko hindi ko namalayang may nabungo ako hindi gaya noon sa book store na maliit bata ngayon alam kung malaki ito at mas matangkad saakin. Nag-angat naman ang tingin ko at tinignan kung sino, bigla namang natuod ako sa kinatatayuan ko kung sinong nasa harapan ko. Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko ang kanina ko pa hinahanap. Same as before, kung anong nasa panaginip ko siya na siya kaya hindi ako pwedeng magkamali. "Logan?" Naiiyak na sambit ko. kumunot naman ang noo nito pero wala naman itong sinabi. Sa sobrang saya ko na makita siya niyakap ko ito kahit alam kung matangkad ito saakin. "Ikaw nga, Logan." Nandoon yung bilis ng t***k ng puso ko. Narinig ko rin ang bilis ng t***k ng puso nito dahil hanggang dibdib niya ako. Wala akong pakialam kung may nakakakita saamin ngayon dahil masayang-masaya ako na makita uli siya. "Who are you?" Doon naman nagising ang diwa ko dahil sa sinabi nito. Marahas ako nitong inalis sa pagkakayap sakanya at tumingin saakin na parang naiirita. "I suppose your mistaken miss or this is another strategy to get closer to me. Remove your hands off to me!" Naitulak naman ako nito pagilid hindi ko inaasahan yun na ginawa niya kaya naout of balance ako at napaupo. Narinig ko naman ang ilang sa mga pagsinghap at nakita ko roon ang mga teammates nito na nasa likuran pala niya. Napatingin naman sila saakin na parang naaawa kaya napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan ko. I guess hindi niya ako narecognized o baka hindi naman talaga niya ako kilala ako lang yung pilit nag-aassume. "Ayos ka lang?"- Nakita kong nakalapit na pala si Zoey saakin kasama ang dalawang pang kaibigan ko. Mabuti na lang at medyo kunti lang ang nakakita ng nangyari for sure kakalat rin sa buong campus ang nangyari bukas. "Bakla anong nakain mo? Bakit ginawa mo yun?"-Gabby, pero alam kong nag-aalala ang mga ito. Bakit ko nga rin ba nagawa iyon? Ano bang pumasok sa isip ko? "Infainess ang lakas ng loob mong gawin yun huh at sa Captain pa talaga, iba rin ang taste mo bakla."- Jassy. Gusto ko namang maiyak dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Bakit ba hindi ka nag-iisip Missy? Ayan tuloy gumawa ka nang kahihiyan mo. "Gusto ko nang umuwi." Matamlay na sabi ko. "Oo bakla, yun ang kailangan mo." Inalalayan naman nila akong makatayo at sinamahan sa kotse ni Zoey. Walang sinabi si Zoey pero alam kong pinapakiramdaman niya ako. Tahimik lang ang byahe naming dalawa papuntang apartment ko. Nagpasalamat naman ako sa paghatid nito hindi ko naman narinig na may sinabi ito kaya lumabas na lang ako sa kotse nito. "Alam kong may problema kanina pa. May hindi ka sinasabi saakin Missy?" Napalingon naman ako kay Zoey hindi ko alam na sumunod pala ito. "Wala yun, Nagkamali lang ako kanina akala ko siya yung ka kilala ko." Hindi naman ako tumingi sa kanya para hindi niya mahalatang nagsisinungaling ako. "Hindi mo ko maluluko, Missy. Hindi ka gagawa ng hakbang kanina kung hindi ka sigurado. Paano mong nakilala si Logan?" Ngayon ko lang nakitang ganito kaseryoso si Zoey at hindi ako sanay. Sasabihin ko ba ang totoo sakanya? "I met him in my dream, yung ikweninto ko sainyo dati na may anak ako... siya ang ama." Tinignan ko naman siya at hinihintay kung tatawa ito. Sino ba naman kasing baliw ang magsasabi nun kundi ako lang. Baka isipin niyang nababaliw na ako. "And..'' Mukhang gusto niyang ituloy yung sinasabi ko. "Nagkakilala kami dahil doon.. I've already met his team, and I'm hoping he knows who I am, but you saw his expression a while ago. Siguro nga nababaliw na ako yun ang nasa isip niyo kanina." Naramdaman ko naman itong lumapit at niyakap ako. Hindi ko na nabangit na siya ang tatay ng mga anak ko. Baka sabihin niyang napakaassumera ko na talaga. "I'm not making a judgement on you; don't think that way; I'll understand." Following that incident a while back, I promised myself I'd put an end to this fantasy of mine.. Nahihibang na siguro ako pero nasa realidad na ako at hindi na ako babalik pa roon. I'll pretend that it didn't happened. Masakit lang isipin ang nangyari kanina as if he really doesn't know me at all, pero yun naman talaga ang totoo. Pinapaniwala ko lang ang sarili ko and hoping he remembered me pero yung inakto niya kanina it's already a cue. Is it conceivable that I felt something for him in that dream? Ang mas masakit ako lang pala ang nakakaramdam ng ganun. Nahihibang na talaga ako.. maiinlove ka sa isang hindi totoong nabubuhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD