Chapter 13 Brenan I woke up dahil sa tilian sa labas ng kubo, napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang tili ni Sierina “WHAT HAPPENED?” tanong ko matapos marahas na buksan ang pinto ng kwarto, halos malaglag ang panga ko dahil sa nakita. “NAKO! Ilapag mo lang ang kawali! Nakooo! Masusunog tayo niyan! Ayyy!” si Nanay Pacing iyon, pilit na ibinababa ang kawaling hawak ni Sierina. “Anong ginagawa mo?” tanong ko habang isinusuot ang damit pang taas at inaayos ang magulo ko pang buhok, saglit na napatingin sa akin si Nanay Pacing tsaka lumipat ang mata nito kay Sierina, ano kaya ang iniisip niya? “Nako itong nobya mo hindi pala marunong magluto, ayan tuloy, natalsikan na ng mantika ang braso niya...” tinignan ko ang namumulang braso ni Sierina. “Dapat kasi nag-iingat ka!” tinignan ko

