ROSALINDA Sa tinagal-tagal ng nilakad namin ay sa wakas, narating na rin namin ang lugar na pinuntahan namin. Halos sumakit na nga ang paa ko kakalakad kanina pa. Akala ko tuloy ay nililigaw na ko ng mga kasama ko. Huminto kami sa tapat ng isang malaking sasakyan na kahawig ng isang undefine flying object or UFO kung tawagin sa pinanggalingan ko. Hala! Bakit mayroong ganito rito? Nabigyang linaw na ba ang mga kuwentong alien sa panahon na 'to? "Rosalinda, alam mo ba kung anong tawag d'yan?" Lumingon ako sa nagsalitang si Andrei. Naguguluhan ko siyang tinitigan. "UFO ang tawag sa bagay na 'yan, hindi ba?" Mas lalong napakunot ang noo ko nang makita ang nagpipigil nilang tawa. "Tss. Paano mo nasabing UFO ang tawag sa bagay na 'yan?" masungit na tanong sa akin ni JR. "Kilala an

