ROSALINDA Anu-anong mga bagay pa ba ang maaari kong masaksihan sa panahong ito? Mga bagay na napaka dami ng nagbago mula sa panahon na pinanggalingan ko? "Tsk. Humanda kayong lahat. Tiyak na hindi magiging madali para sa atin kapag nakapasok na tayo sa totoong mundo." Narinig ko ang babala sa amin ni Sierge habang patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. Ngayon lang yata may nagsalita ulit buhat ng magkaroon ng katahimikan kanina. Walang sumagot sa kaniya. Malalim na buntong hininga lamang ang sinagot ng mga katabi ko habang ako ay nanatili lamang tulala dahil sa nalaman ko kanina. Naramdaman ko ang paghawak ni Eazel sa kamay ko. "Rosalinda, kailangan mong magpakatatag. Alam kong hindi mo pa lubos nababatid ang lahat, pero ikaw lang ang susi upang maisalba ang mundong ito. Kailangan

