MASYADONG masama ang loob ni Kori. How she wished Finn was here. Ang lalaki lang ang talagang nakakaintindi sa kanyang nararamdaman. Okay din naman sa kanya si Drew. Iyon nga lang ay madalas kasi na puro negatibo ang naririnig niya mula rito para sa kanyang nobyong si Brett. He doesn’t listen, nauuna pa ang galit nito sa kanyang nobyo bago makinig sa kanya. Drew was reckless. Mainitin ang ulo pagdating sa huli. Ang nagugustuhan niya kay Drew, he was always there for her. Madalas na mauna pa itong makarating sa kanya kaysa kay Finn. Habang sakay ng kanyang van, tinawagan niya ang lalaki. Hindi naman siya nabigo nang sagutin nito iyon makalipas lang ang ilang ring. “Kori?” Naririnig niya ang malakas na tugtog ng masayang musika sa lugar nito. Halatang nasa party rin ang kanyang kaibiga

