“WHAT?” naguguluhan na tanong ni Lauren sa ina. “I agree with his proposal, Lauren.” “You agreed without letting me know? Without even thinking about my opinion?” Sa oras na iyon ay sumama nang husto ang emosyon ni Lauren. Iba ang kanyang pakiramdam. Para bang isa siyang manika na basta na lang ipamimigay nito sa kung kanino nito nais. Hindi niya alam kung maiinis siya, maiiyak o matatawa. “Listen, Lauren, ano ba ang gusto mo? Pabayaan kami ng kapatid mo? Hayaan na pagtawanan tayo ng mga kapitbahay? Hayaan mo na mabaliw-baliw ako sa kaiisip kung paano susulusyunan ang problema namin ng papa mo sa malaking utang namin sa mga kakilala at kaibigan?” Sa oras na iyon ay mas lalong sumama ang mukha ni Lauren. Pinaghalo-halong emosyon ang mayroon siya sa kasalukuyan. Para ba kasing wala s

