IRITANG-IRITA si Lauren matapos siyang iwan ni Finn sa kahabaan ng hindi pamilyar na kalsada. Ngunit naroon lang din naman siya sa business area sa loob ng Makati kaya hindi siya nag-aalala na baka mapahamak siya roon. May mangilan-ngilan na dumadaan na mga sasakyan kahit pa nga halos nagtatalo na ang dilim at liwanag sa kalangitan. Naglalakad din ang ilang office worker sa magkabilang panig ng kalsada. “Damn it!” mura niya habang naiisip ang lalaki. Humugot siya ng hangin para mabawasan ang kanyang pagkainis dito. Naghintay si Lauren ng taxi na dadaan at maghahatid sa kanya sa kanilang tahanan. May mangilan-ngilan na dumadaan, ngunit may laman na pasahero ang mga iyon dahil kasalukuyan pang rush hour. Shit! Sinundo pa siya nito sa opisina kung iiwan lang din naman pala siya! Paan

