TILA mayroon silang mundo ni Finn sa loob ng train na nakahawak sa pole habang umaandar iyon. Rush hour sa siyudad kaya kasalukuyan na maraming tao sa train na pangunahing transportasyon sa bansa. Nagpahatid sila sa Haneda Airport kanina gamit ang sasakyan ng Imperial Hotel. Matapos ang meeting ng lalaki na inabot lang ng treinta minutos ay umalis na sila ng airport. Mula roon ay sumakay sila ng train. Mas masarap maranasan ang sumakay sa tren sa siyudad kaysa sa pribadong sasakyan. Disadvantage lang ang dami ng commuter sa ganoong oras, ngunit sapat lang iyon sa kanilang dalawa na hindi alintana ang iba pa. Nakatingala lang siya sa mukha ni Finn habang inaalala ang mga naganap kanina kung paano nila dapat mamarkahan ang kanilang suite. Hindi rin iyon natuloy dahil may tumawag sa telep

